taong nangangaral ng Ebanghelyo From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang isang mangangaral ay isang tao na nagbibigay ng sermon o homiliya tungkol sa mga paksang relihiyoso sa isang pagtitipon ng mga tao. Hindi gaanong karaniwan ang katawagang ito sa mga mangangaral na nangangaral sa kalye, o iyong mga nagbibigay ng mensahe na hindi kinakailangang relihiyoso, subalit nangangaral ng mga elemento tulad ng moral o panlipunang pananaw ng mundo o pilosopiya.
Karaniwan ang mga mangangaral sa karamihan sa mga kalinangan. Maari silang mga ministeryong Kristiyano tuwing Linggo ng umaga, o Islamikong Imam. Pangkalahatang tinutukoy ang isang mangangaral na Muslim bilang isang dā‘ī, habang tinatawag na khatib ang isang nagbibigay ng sermon tuwing hapon ng Biyernes.
Naging mahalagang bahagi ang homiliya o sermon sa mga serbisyong Kristiyano, simula noong Maagang Kristiyanismo, at nanatiling prominente sa parehong Romano Katolisismo at Protestantismo. Nasasangkot minsan ang layko sa mga pagsambang tradisyon na ito, halimbawa dito ang mga mangangaral na lokal na Metodista, subalit sa pangkalahatan, naging tungkulin ng klero (mga pari o pastor) ang pangangaral. Opisyal na kilala ang Orden ng Dominikano bilang Ordo Praedicatorum (Latin na nangangahulugang Orden ng Mangangaral); sinanay ang prayle sa orden na ito upang pampublikong mangaral sa katutubong wika, at nilikha ito ni Santo Domingo upang pangaralan ang mga Cathar ng katimugang Pransya noong ikalabing-tatlong dantaon. Isang pa na mahalagang orden na nangangaral ang mga Franciscano; naglalakbay na mga mangangaral, kadalasang prayle, ay isang mahalagang katangian ng huling medyebal na Katolisismo.
Sa karamihan ng denominasyon, tumatagal lamang sa 40 minuto ang makabagong pangangaral, subalit may pagkakataon na tumagal sa higit sa isang oras, minsan dalawa o tatlong oras, ang pangangaral sa kasaysayan ng lahat ng denominasyon,[1] at ginagamit ang kaparaanang retorika at teatro na medyo hindi na uso sa kasalukuyang mga simbahan.
Sa maraming mga simbahan sa Estados Unidos, magkasingkahulugan ang titulong "Preacher" o "Mangangaral" sa "pastor" o "ministro", at tinutukoy minsan ang ministro ng simbahan bilang "our/the preacher" (aming/ang mangangaral) o sa pamamagitan ng pangalan tulad ng "Preacher Smith". Bagaman, sa ilang simbahang Tsino, magkaiba ang mangangaral (Tsino: 傳道) mula sa pastor (Tsino: 牧師). Ang isang mangangaral sa simbahang Prostestante ay isa sa mga batang klero, subalit hindi sila opisyal na kinikilala bilang mga pastor hanggang mapatunayan nila ang kanilang kakayahan na pamunuan ang simbahan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.