Si Louis VI[1] o Luis VI (1 Disyembre 1081 – 1 Agosto 1137), tinaguring ang Mataba (le Gros), ay ang Hari ng Pransiya mula 1108 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1137. Sa mga sulatin, tinatawag siyang "roi de Saint-Denis". Bilang unang miyembro ng Kabahayan ng Capet na nakagawa ng tumagal na mga kontribusyon sa pagsesentro ng mga institusyon ng kapngyarihan maharlika,[2] Isinilang si Louis sa Paris, anak ni Philip I at na kaniyang unang asawang si Bertha ng Holland. Halos kabuoan ng kaniyang dalawampu't-siyam na taong paghahari ang iginugol sa pakikipaglaban sa mga "magnanakaw na mga baron" na naging epidemya sa Paris, o laban sa mga haring Norman ng Inglatera dahil sa kanilang posesyong kontinental ng Normandy. Subalit, nagawa pa rin ni Louis VI na ipatupad ng lubos ang kaniyang kapangyarihan at naging isa sa mga unang malalakas na hari ng Pransiya mula noong pagkakahati ng Imperyong Karolinyano. Ayon sa kaniyang talambuhay, na isinulat ng manunulat ng kasaysayan at kaniyang palagiang tagapayong si Abbot Suger, isang may maiging pag-uugali at katauhan si Louis VI, kung ihahambing mula sa mga naunang mga hari.

Agarang impormasyon Paghahari, Koronasyon ...
Louis VI ang Mataba
Hari ng mga Frank(marami pa...)
Thumb
Paghahari29 Hulyo 1108 – 1 Agosto 1137
Koronasyon3 Agosto 1108, Cathedral Ste Croix, Orléans
PinaglibinganBasilika ni San Dionisio, Paris, Pransiya
SinundanPhilip I
KahaliliLouis VII
KonsorteLucienne de Rochefort
Adélaide de Maurienne (1092–1154)
SuplingPhilip, Rex Filius (1116–1131)
Louis VII (1120–1180)
Henry, Arsobispo ng Reims (1121–1165)
Robert, Konde ng Dreux (c.1123–1188)
Constance, Kondesa ng Toulouse (c.1124–1176)
Philip, Arkdiyakuno ng Paris (1125–1161)
Peter, Panginoong ng Courtenay (d. Pagitan ng 1179-1183) (c.1125–1183)
Bahay MaharlikaKabahayan ng Capet
AmaPhilip I (23 Mayo 1052 – 29 Hulyo 1108)
InaBertha ng Holland (c.1055-1094)
Isara

Talambuhay

Si Louis VI ang unang Kapetiyanong hari na bumuwag sa kapangyarihn ng mga maharlikang piyudal. Pinamunuan niya ang kaniyang mga hukbo laban sa laban sa mga magnanakaw na mga panginoon at laban din kina Emperador Henry V at Henry I ng Inglatera. Pinangalagaan niya ang mga pag-aari ng mga kaparian.[1]

Sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.