From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lalawigan ng Verona (Italyano: Provincia di Verona) ay isang lalawigan sa rehiyong administratibo ng Veneto ng Italya. Sa hilagang-kanlurang hangganan nito, Lawa ng Garda – Pinakamalaki sa Italya – ay nahahati sa pagitan ng Verona at mga lalawigan ng Brescia (rehiyon ng Lombardia) at Trentino (rehiyon ng Trentino-Alto Adigio). Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Verona. Ang lungsod ay isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[1]
Lalawigan ng Verona | |||
---|---|---|---|
Loggia del Consiglio sa Verona, ang luklukang panlalawigan | |||
| |||
Mapang nagpapakita ng kinaroroonan ng Verona sa Italya | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Veneto | ||
Kabesera | Verona | ||
Comune | 98 | ||
Pamahalaan | |||
• Pangulo | Manuel Scalzotto (League) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 3,109 km2 (1,200 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Diyembre 31, 2014) | |||
• Kabuuan | 923,664 | ||
• Kapal | 300/km2 (770/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Postal code | 37010-37014, 37016-37024, 37026, 37028-37032, 37035-37036, 37039-37047, 37049-37060, 37063-37064, 37066-37069, 37121-37142 | ||
Telephone prefix | 045, 0442 | ||
Plaka ng sasakyan | VR | ||
ISTAT | 023 | ||
Websayt | portale.provincia.vr.it |
Ang lalawigan ay likas na kosmopolitan. Ito ay napapaligiran ng Italyanong Tirol sa hilaga, Lalawigan ng Vicenza at Lalawigan ng Padua sa silangan, Lalawigan ng Rovigo at Lalawigan ng Mantua sa timog, at Lawa ng Garda sa kanluran. Mula hilaga hanggang timog ang pinakamataas na lawak ng lalawigan ay 50 milya habang ito ay 25 milya mula silangan hanggang kanluran.[2]
Ang lalawigan ay may lawak na 3,109 square kilometre (1,200 mi kuw) at isang kabuuang populasyon na humigit-kumulang 0.9 milyon. Mayroong 98 na comune (maramihan: comuni) sa lalawigan. Ang mga mahahalagang comuni ay kinabibilangan ng Bovolone, Bonavigo, Bussolengo, Cerea, Isola della Scala, Legnago, Negrar, Peschiera del Garda, San Bonifacio, San Giovanni Lupatoto, San Martino Buon Albergo, Soave, Sona, Valeggio sul Verona, at Villafra.[3]
Nangyari sa Verona ang dula ni William Shakespeare na Romeo at Julieta, gayundin ang ilang eksena sa kaniyang dulang Ang Dalawang Maginoo ng Verona. Ang Verona ay umaakit ng maraming turista, at ang Casa di Giulietta (ang villa ni Juliet Capulet sa dula) ay isang mahalagang lokal na atraksiyon sa mga bisita.[4]
Dahil sa makasaysayang kahalagahan nito, ipinagmamalaki ng lalawigan ang isang malaking bilang ng mga kastilyo, tore, ermita, monasteryo, santuwaryo, at lumang Romanikong parokya. Matatagpuan ang isang rehiyonal na liwasan sa Lessinia. Sikat ang Valpolicella sa mga alak nito na gawa sa mga katutubong pamamaraan. Ang pinakamalaking natural na tulay sa Europa—Ponte di Veja ay matatagpuan sa lalawigan. Ang hilagang bahagi ng lalawigan ay halos maburol, na may ilang mga ilog, kabilang ang Tartaro, Caslagnaro, at Adige.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.