From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ketong o lepra ay isang kronikong sakit na nakakahawa na sanhi ng bacillus na Mycobacterium leprae o Mycobacterium lepromatosis. Ang mabagal na lumalagong Mycobacterium leprae ay mabagal na dumarami at ang panahon ng inkubasyon ay 5 taon. Ang mga sintomas ay nangyayari sa loob ng 1 taon ngunit maaari ring tumagal hanggang sa 20 taon at marami pa. Ang ketong ay umaapekto sa balat, mga nerbiyong periperal, mucosa, itaas na traktong respiratoryo. Ang sakit na ito ay magagamot ng mga drogang Rifampicin, dapsone, at clofazimine.
Ketong Leprosy | |
---|---|
Ibang katawagan | Sakit ni Hansen (HD)[1] |
Pamamantal sa dibdib at tiyan na sanhi ng ketong | |
Bigkas | |
Espesyalidad | Nakakahawang sakit |
Sintomas | Nawalang pakiramdam sa kirot |
Sanhi | Mycobacterium leprae o Mycobacterium lepromatosis |
Panganib | Malapit na pagdakit sa isang may ketong, namumuhay sa kahirapan |
Paggamot | Maraming droga |
Lunas | Rifampicin, dapsone, clofazimine |
Dalas | 209,000 (2018)[3] |
Ang Mycobacterium leprae at Mycobacterium lepromatosis ay mycobacteria na nagsasanhi ng ketong. Ang M. lepromatosis ay isang bagong mycobacterium na natukoy mula sa isang nakakamatay na kaso ng diffuse lepromatous leprosy noong 2008.[4][5][6]
Ang Hebreong Tzaraath(Lev 13:2) ay isinalin sa Septuagint na λέπρα (Lepra) na isinalin sa King James Version at maraming saling Ingles ng Bibliya na Ketong ay isang salot na sakit ng balat ng pamamantal at pamamaga(Lev 13:2) na nakakahawa na maaaring makahawa sa mga damit at kabahayan. Ang Tzaraath (lepra) ay may mga sintomas na subcutaneous(ilalim ng balat) na lesyon na may mga buhok na nagiging puti (Lv 13.3), kumakalat na lesyon (Lv 13.7–8), puting pamamaga na gumawang puti sa buhok at may sariwang laman sa pamamaga(Lv 13.10,14-16), malalim na pamamaga sa ulo o baba o (Lv 13.30, 36,43). Ang superpisyal na mga impeksiyon sa balat na gumaling o hindi kumalat sa isang kwarantina ng isang linggo ay hindi itinutuing na Tzaraath. (Lv 13.6, 23, 28, 34, 37, 39).
Ayon sa Aklat ng Levitico 14:2-52 tungkol sa pagpapagaling ng Tzaraath o lepra
Ayon sa Lumang Tipan pinagaling ni Eliseo si Naaman sa sakit na ketong na nilipat naman ni Eliseo sa kanyang aliping si Gehazi bilang kaparusahan na ketong na kasing puti ng niyebe.
Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas 17:12, pinagaling ni Hesus ang sampung lalakeng may ketong (Griyego: deka leproi andres), sa Ebanghelyo ni Mateo 8:2) ay pinagaling ni Hesus ang lalakeng may ketong (Griyego:leproi) at sa Ebanghelyo ni Marcos 1:4 ay pinagaling ni Hesus ang lalakeng may ketong (Griyego:lepros).
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.