Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Karaniwang Panahon o Linggo ng Taon (Latin: Tempus per annum) ay ang pamagat sa mga natitirang panahon sa taon ng liturhiya sa Ritung Romano magmula noong taong 1969. Nahahati ito sa dalawang yugto: sa pagitan ng Pasko ng Pagsilang at Kuwaresma, at makalipas ang Pentekostes. Ang kulay para sa kasuotan sa Misa para sa panahong ito ay luntian. Ang huling Linggo ng Karaniwang Panahon ay ang Dakilang Kapistahan ng Panginoong Hesus, Hari ng Sansinukob.
Masasabing hindi tumpak ang pagkakasalin sa Tagalog ng tempus per annum dahil bagaman sa Ingles ay "Ordinary Time," hindi ito nangangahulugan na "karaniwan"; bagkus, ito ay tinawag na "Ordinary" sa Ingles ay dahil binibilang ang Linggo ng Taon, mula unang linggo ng karaniwang araw sa Enero (makalipas ang Epipania) hanggang ika-34 na linggo (sa huling bahagi ng Nobyembre).[1].
Sa kasalukuyang gamit ng Simbahan ng Roma, ang karaniwang panahon ng taon ay nagsisimula sa Lunes na kasunod ng Linggong kasunod naman ng ika-6 ng Enero at ito ay umaabot hanggang sa Martes bago mag-apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pagkabuhay (Kuwaresma) at ang Martes na ito ay kasama sa bilang. Muling nagsisimula ang karaniwang panahon sa Lunes kasunod ng Linggo ng Pentekostes at nagwawakas bago mag-Unang Panalangin Pangtakipsilim ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (Adbiyento). Ang Karaniwang Panahon ay binubuo ng 33 o 34 na linggo.[2]
Sa matandang kasanayan ng Ritung Romano, ginagamit ang termino na "Linggo makalipas ang Epipania" at "Linggo makalipas ang Pentekostes."
Pinahinihintulutan ang ilang kapistahan na matatapat ng araw ng Linggo (ng Karaniwang Panahon) na maipagdiwang. Para sa ikapakikinabang ng mga nagsisimba, kapag mga araw ng Linggo sa karaniwang panahon ng taon, maaaring ganapin ang mga pagdiriwang na mahalaga para sa pamimintuho ng mga tao na napapatapat sa mga karaniwang araw ng Linggo, kung ang mga ito ay higit na nauuna sa antas ng Linggo ayon sa hanay ng mga araw ng liturhiya. Ang mga pagdiriwang na ito ay maihahalili sa nakatakda para sa Linggo kapag may mga nagsisimba sa pagmimisa.[2]
Mas matimbang ang araw ng Linggo sa Karaniwang Panahon kaysa anumang Paggunita ng mga Banal. Subalit may ilang tanging kapistahan na maipagdiriwang:
Batay sa MGA PANGKALAHATANG PATAKARAN TUNGKOL SA TAON NG LITURHIYA AT TUNGKOL SA KALENDARYO[3], talagang Dakilang Kapistahan din ang mga sumusunod, na maaaring maipagdiwang sa Linggo ng Karaniwang Panahon:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.