Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pagpapakita ng Panginoon o Epipanya (Ingles: Epiphany, (Griyegong Koine: ἐπιφάνεια, epiphaneia, "manipestasyon", "kagila-gilalas na kaanyuan"[1]) o Teopanya (Ingles: Theophany),[2] (Sinaunang Griyego (ἡ) Θεοφάνεια, Τheophaneia) na may ibig sabihing "pagkatanaw sa Diyos",[3] na pangtradisyong bumabagsak tuwing Enero 6, ay isang Kristiyanong araw ng kapistahan na nagdiriwang ng rebelasyon ng Diyos Anak bilang isang tao sa katauhan ni Hesukristo. Pangunahing (subalit hindi lamang ito) inaalala ng mga Kristiyanong Kanluranin ang pagdalaw ng Pambibliyang Mago sa Sanggol na Hesus, kung kaya't ang manipestasyong pisikal o pagkakatawang-tao ni Hesus sa mga Hentil. Inaalala ng mga Kristiyanong Silanganin ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog ng Hordan, na tinatanaw bilang manipestasyon ni Hesus sa daigdig bilang Anak ng Diyos.[4]
Sa payak na mga pananalita, ang Epipanya ay isang paglitaw o pagsipot,[5] pagpapakita; o dili kaya ay isang pagpapahayag ng kabanalan, at pangyayaring ispirituwal kung saan ang katuturan ng isang bagay ay ipinakikita sa isang tao.[6] Ito rin ay nakikilala bilang kapistahan ng Tatlong Haring Mago tuwing Enero 6.[5][6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.