dula From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hippolytus (Sinaunang Griyego: Ἱππόλυτος, Hippolytos) ay isang sinaunang Griyegong trahedya ni Euripides batay sa mito ni Hippolytus na anak ni Theseus. Ang dulang ito ay unang nilikha para sa siyudad ng Dionysia ng Athens noong 428 BCE at nanalo ng unang gantimpala bilang bahagi ng trilohiya. [1]
Unang trinato ni Euripides ang mitong ito sa Hippolytos Kalyptomenos (Ἱππόλυτος καλυπτόμενος – Hippolytus Veiled) na ngayona ay wala na. Ang mga skolar ay halos nagkakaisa sa paniniwalang ang mga nilalaman ng nawawalang Kalyptomenos ay naglalarawan ng isang walang hiyang mahalay na Phaedra na direktang nagproposisyon kay Hyppolytus sa hindi kaluguran ng mga manonood.[2] Ang pagkakabigong ito ay nagtulak kay Euripides na muling bisitahin ang mito sa Hippolytos Stephanophoros (Ἱππόλυτος στεφανοφόρος – "Si Hippolytus na nagsusuot ng korona") bilang reperensiya sa koronang bulaklak na isinuot ni Hippolytus bilang mananamba ni Artermis na sa pagkakataong ito ay may isang katamtamang Phaedra na nilalabanan ang kanyang mga halay. Ang mga nakaligtas na dula ay nag-aalok ng higit na mas pantay at sikolohikong masalimuot na pagtrato ng mga karakter kesa sa karaniwang matatagpuan sa tradisyonal na muling pagsasalaysay ng mga mito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.