Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Artemis ay isang diyosa ng pangangaso at ng mga maiilap at mababangis na mga hayop sa mitolohiyang Griyego. Kapatid at kakambal siyang babae ni Apollo. Kilala siya sa pangalang Diana sa mitolohiyang Romano. Dahil sa pagkakaugnay ni Apollo sa araw, kalimitang itinuturing o ikinakabit si Artemis sa "buwan" at bilang ang diyosa ng buwan na pinangalanang Selene o Selena sa Griyego o Luna sa Romano.[1][2] Sa mitolohiyang Etruskano, binabaybay ang pangalan niya bilang Artumes.[1]
Batay sa mga paglalarawan sa kaniya, mayroon siyang hawak na balingkinitang pana na binabalahan ng ginintuang mga palaso. Dahil nga diyosa siya ng paninila, mabilis ngunit may kayumian siya sa pagkilos. Mahal niya ang mga kagubatan. Paborito niya ang usa at nagbibigay din ng pagkalinga sa iba pang mga mababangis at maiilap na mga hayop. Siya rin ang tinaguriang dalagang diyosang nagsasanggalang o nagbibigay ng proteksiyon sa mga kabataan ng mundo.[2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.