Sultan ng Brunei From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Hassanal Bolkiah[1] (Jawi: حسن البلقية; ipinanganak 15 Hulyo 1946) ay ang ika-29 at kasalukuyang Sultan at Yang di-Pertuan ng Brunei at ang Punong Ministro ng Brunei. Isa siya sa mga huling ganap na monarko sa sanlibutan. Anak nina Sultan Omar Ali Saifuddien III at Raja Isteri (Reyna) Pengiran Anak Damit, humalili siya bilang sultan ng Brunei, pagkatapos magbitiw sa tungkulin ang kanyang ama noong 5 Oktubre 1967.
Hassanal Bolkiah | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Hulyo 1946
|
Mamamayan | Brunei Darussalam |
Nagtapos | Pangharing Akademyang Militar ng Sandhurst |
Trabaho | politiko |
Opisina | Hari () |
Asawa | Reyna Saleha ng Brunei (1965–) |
Anak | Prinsipe Azim Tagapagmanang Prinspe Al-Muhtadee Billah ng Brunei Prinsipe Malik Prinsesa Rashidah Sa'adatul Bolkiah |
Magulang |
|
Pamilya | Prinsipe Jefri Bolkiah Prinsipe Mohamed Bolkiah |
Pirma | |
Nakaranggo ang sultan sa mga pinakamayamang indibiduwal sa sanlibutan. Tinataya ng magasin na Forbes ang kanyang netong halaga sa $ 20 bilyon. Pakatapos ni Reyna Elizabeth II, ang sultan ay ang ikalawang kasalukuyang monarko sa mundo na matagal ng namamahala.[2] Noong 5 Oktubre 2017, ipinagdiwang ng sultan ang kanyang Ginuntuang Hubileo upang markahan ang kanyang ika-50 paghahari sa kanyang trono.[3]
Isinilang ang sultan noong 15 Hulyo 1946, sa Istana Darussalam, Bayan ng Brunei (tinatawag na ngayong Bandar Seri Begawan) bilang Pengiran Muda (Prinsipe) Hassanal Bolkiah. Nagtapos siya sa isang mataas na paaralan sa Institusyon ng Victoria sa Kuala Lumpur, pagkatapos pumasok siya sa Pangharing Akademyang Militar ng Sandhurst sa Reino Unido, na nagtapos noong 1967.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.