From Wikipedia, the free encyclopedia
Gochujang ay isang masarap at maanghang na pinangasim na rekado ng Korea. Ayon sa kaugalian, ito ay pagbuburong pagkain na pinangasim sa mga malalaking kaldero na nakalupa sa paglipas ng taon. Ang malalaking kaldero na ito ay pinapalitan sa madalas ng isang nakataas platform na bato, na tinatawag na jangdokdae(장독대).
Gochujang | |
Pangalang Koreano | |
---|---|
Hangul | 고추장 |
Hanja | --醬 |
Binagong Romanisasyon | gochujang |
McCune–Reischauer | koch'ujang |
Ang mga pangunahing sangkop ng Gochujang ay red chili na naka-pulbos, malagkit na bigas na naka pulbos halu-halo na may toyo, at asin. Ang konting halaga ng pangpatamis tulad ng asukal, arnibal, o pulot ay din paminsan-minsan dinadagdag. Itong Gochujang ay isang madilim, mamula-mula na rekado na nagalalaman ng isang mayaman at maanghang na lasa.
Ito ay ginawa sa bahay sa Korea dati pa noong mga ika-16 na siglo, matapos na unang ipinakilala ang chili pepper. Ang paggawa ng gochujang sa bahay ay nagsimulang huminto sa pangkalakalan (commercial) na produksiyon na nagsimula sa maagang 1970's. Ngayon, mahirap matagpuan ang paggagawa ng gochujang ng mga tao sa sariling bahay.
Ito ay ginagamit nang husto sa pagluluto sa Korea, lasa sa mga nilaga(jjigae) tulad ng gochujang jjigae, inatsara na karne tulad ng gochujang bulgogi , at bilang isang rekado para sa naengmyeon at bibimbap .
Ang Gochujang sa kaugalian ay isa sa tatlong ganap na kailangan na rekado sa bahay, kasama ng doenjang at ganjang . Gochujang ay naglalaman ng protina, taba, bitamina B2, bitamina C, at karotina
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.