putaheng Koreano na binubuo ng de-kamay na pansit na mahahaba at maninipis From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang naengmyeon[2] (냉면; 冷麵, sa Timog Korea) o raengmyŏn (랭면, sa Hilagang Korea) ay isang putaheng pansit mula sa Hilagang Korea na binubuo ng mahahaba at maninipis na pansit na de-kamay na ginawa mula sa harina at gawgaw ng iba't ibang mga sangkap, kabilang dito ang hayang trigo (메밀, memil), patatas, kamote, gawgaw ng uraro (mas matingkad at mangunguya kaysa sa pansit na hayang trigo) at kudzu (칡, chik). Pinakakaraniwan ang hayang trigo (sa kabila ng pangalan, hindi ito trigo ngunit mas malapit ang kaugnayan sa alasan). Gawa ang mga ibang baryante ng naengmyeon mula sa sangkap tulad ng damong-dagat at tsaang lunti.
Ibang tawag | Raengmyŏn |
---|---|
Uri | Guksu |
Lugar | Hilagang Korea |
Rehiyon o bansa | Pyongyang at Hamhung |
Kaugnay na lutuin | Lutuing Koreano |
Ihain nang | Malamig |
Pangunahing Sangkap | Pansit (harina at almirol ng hayang trigo, patatas, kamote) |
Baryasyon | Mul-naengmyeon, bibim-naengmyeon, hoe-naengmyeon |
110 kcal (461 kJ)[1] | |
|
Pangalang Koreano (Timog Korea) | |
Hangul | 냉면 |
---|---|
Hanja | 冷麵 |
Binagong Romanisasyon | Naengmyeon |
McCune–Reischauer | Naengmyŏn |
IPA | [nɛŋ.mjʌn] |
Pangalang Koreano (Hilagang Korea) | |
Chosŏn'gŭl | 랭면 |
---|---|
Hancha | 冷麵 |
Binagong Romanisasyon | Raengmyeon |
McCune–Reischauer | Raengmyŏn |
IPA | [ɾɛŋ.mjʌn] |
Sa modernong panahon, karaniwang inuugnay at kinakain ng marami ang baryanteng mul naengmyeon (물 냉면) tuwing tag-init; subalit sa kasaysayan tinamasa itong putahe tuwing taglamig.[3][4][5]
Ayon sa ika-19 na siglong dokumentong Dongguksesigi (동국세시기, 東國歲時記), ginagawa ang naengmyeon mula pa noong Dinastiyang Joseon.[6] Isang delikasiya ng Hilagang Korea noong una, lalo na sa mga lungsod ng Pyongyang (평양) at Hamhung (함흥),[7] pumatok nang todo ang naengmyeon sa buong Korea kapwa Hilaga at Timog Korea pagkatapos ng Digmaang Koreano.[6]
Inihahain ang naengmyeon sa isang malaking mangkok na tanso o di-kinakalawang na bakal na may masigid at malamig na sabaw, hinulyanang pipino, mga hiwa ng Koreanong peras, maninipis at malalapad na piraso ng labanos na inatsara nang banayad, at isang nilagang itlog o mga hiwa ng malamig na pinakuluang karne ng baka o ang dalawang ito. Madalas idinaragdag ang maanghang na sarsang mustasa (o langis ng mustasa) at suka bago ito kakainin. Ayon sa kaugalian, kinakain ang mahahabang pansit nang walang anumang pagputol dahil sumisimbolo ang mga ito ng kahabaan ng buhay at mabuting kalusugan. Subalit sa mga restawran ngayon, itinatanong ng mga serbidor kung dapat putulin ang pansit bago kainin, at ipinampuputol ng pansit ang gunting.[kailangan ng sanggunian]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.