From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Ang Infante Henrique, Duke ng Viseu (Porto, Marso 4, 1394 – Sagres, Nobyembre 13, 1460) ay isang infante (prinsipe) mula sa Portuges na Kabahayan ng Aviz at isang mahalagang tao noong mga unang panahon ng Imperyong Portuges. Siya ang may kagagawan ng pagsisimula ng Europeanong pandaigdigang mga eksplorasyon. Kilala rin siya bilang Prinsipe Henry ang Nabigador (Prince Henry the Navigator), Infante Dom Henrique (sa wikang Portuges na nangangahulugang "Prinsipe Don Enrico"), at Prinsipe Enrique ang Mapaglayag o Prinsipe Enriko (o Enrike) ang Mapaglakbay sa Dagat.[1] Hindi naman siya tunay na nabigador o kaya naglakbay man sa mga karagatan, subalit nakuha niya ang mga kabansagang ito dahil sa kaniyang pagtatatag at paglulunsad ng maraming mga biyahe kung saan natuklasan ang maraming mga lupain.[2] Tinatanaw siya bilang isang lalaking nagpanimula ng pagpapalawak ng kolonya ng Europa. Siya ang nagtatag ng mga akademyang maritima (akademyang pandagat) noong ika-15 dantaon na naging insipirasyon ng mga panunuklas o eksplorasyon.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.