From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Eber o Heber ay ang ama ng mga Hebreo, hindi lamang ng mga Israelita, sapagkat mas malawak ang sakop ng katagang ito.[1]
Si Eber ay isa ring ninuno no Abraham, siya ay anak ni Sale at apo ni Arfacsad. Siya ay may dalawang anak na si Peleg at Joktan. Si Peleg ay may anak na si Reu siya ay naging ninuno ni Abraham. Si Joktan naman ay may labing-tatlong anak na sina Almodad, Sheleph, Hazarmavet, Jerah, Hadoram, Uzal, Dicla, Obal, Abimael, Sheba, Ophir, Havilah at Jobad. At si Eber ay namatay noong siya ay 464 na taong gulang na.
Ang salitang Aramaic/Hebreo na עבר (ʕ-b-r) ay konektado sa pagtawid at sa kabila.[2] Ang mga inapo ni Sem ay kumakatawan din sa mga lugar, ang Eber ay maaari ding ituring na pangalan ng isang lugar, marahil malapit sa Assyria.[3] Binanggit ng ilang iskolar sa medyebal gaya nina Michael the Syrian, Bar Hebraeus, at Agapius the Historian ang umiiral na pananaw, na ang Hebreo ay tumanggap ng kanilang pangalan mula kay Eber, habang itinuturo din na ayon sa iba, ang pangalang "Hebreo" ay nangangahulugang "yaong mga tumatawid", bilang pagtukoy sa mga tumawid sa ilog Eufrates kasama si Abram mula sa Ur sa Harran, at pagkatapos ay sa lupain ng Canaan.
Sa ilang salin ng Bagong Tipan, minsan siyang tinukoy bilang Heber/Eber (Lucas 3:35, Biblical Greek: Ἔβερ) ang anak ni Serug, ang anak ni Reu, ang anak ni Peleg, ang anak ni Heber, ang anak ni Sale, at hindi dapat malito sa Heber na binanggit sa Genesis 46:17 at sa Numbers 26:45 (iba't ibang spelling ng Hebrew, חבר, na may heth sa halip na ayin), apo ni Asher.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.