From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigang Bulubundukin ang kinatawan ng Lalawigang Bulubundukin sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Mula 1907 hanggang 1917, ang mga hindi Kristiyanong lugar ng Pilipinas (kasama ang Mountain Province) ay hindi nabigyan ng representasyon sa mababang kapulungan ng Lehislatura ng Pilipinas. Ngunit, sa bisa ng Philippine Autonomy Act ng 1916 na naipasa ng Kongreso ng Estados Unidos, at ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code) na naaprubahan noong Marso 10, 1917, nabigyan ng karapatang marepresentahan ang Mountain Province sa mababang kapulungan. Tatlong kinatawan ang itinalaga ng Gobernador-Heneral na kakatawan sa Mountain Province, kasama ang nakakartang lungsod ng Baguio sa mababang kapulungan bilang solong at-large na distrito. Hindi kinakailangang residente ng lalawigang kanilang nirerepresentahan ang mga kinatawang itinalaga. Halimbawa, sina Pedro Aunario (taga-Maynila) at Lope K. Santos (taga-Rizal) ay ilan sa mga kinatawan ng Mountain Province.
Kahit maraming munisipalidad at munisipal na distrito ng Mountain Province ang dinugtong sa mga kalapit na lalawigan ng Ilocos Sur (noong 1920), La Union (noong 1920) at Cagayan (noong 1922 at 1928), ang mga botante ng mga lugar na ito ay patuloy na nirepresentahan ng tatlong kinatawan ng Mountain Province hanggang 1935. Taong 1935 nang nabigyan ng karapatang maghalal ng kinatawan ang Mountain Province, sa bisa ng Kautusan Blg. 4203.
Sa pamamagitan ng parehong kautusan, hinati ang lalawigan sa tatlong distritong pambatas. Ang nag-iisang sub-province na nabibilang sa higit isang distrito ay ang Bontoc: ang silangang bahagi nito ay bahagi ng unang distrito habang ang kanlurang bahagi ay bahagi ng ikatlong distrito.
Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Bilang nakakartang lungsod, ang Baguio ay may sariling kinatawan. Nang manumbalik ang Komonwelt, muling hinati ang lalawigan sa tatlong distritong pambatas noong 1945.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 4695 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, ginawang ganap na lalawigan ang mga sub-province ng Mountain Province: Benguet, Kalinga–Apayao, Ifugao at Mountain Province (Bontoc). Ayon sa Seksiyon 10 ng batas, ang noo'y nanunungkulang mga kinatawan ay patuloy na nirepresentahan ang kanilang mga distrito hanggang matapos ang Ikaanim na Kongreso. Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang bagong Mountain Province noong eleksyon 1969.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon I sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito noong 1987.
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1969–1972 |
|
1987–1992 |
|
1992–1995 | |
1995–1998 | |
1998–2001 |
|
2001–2004 |
|
2004–2007 |
|
2007–2010 | |
2010–2013 |
|
2013–2016 | |
2016–2019 | |
2019–2022 |
Notes
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1935–1938 |
|
1938–1941 | |
1945 |
|
1946–1949 | |
1949–1953 |
|
1953–1957 |
|
1957–1961 |
|
1961–1965 |
|
1965–1969 | |
Notes
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1935–1938 |
|
1938–1941 |
|
1945 | |
1946–1949 |
|
1949–1953 |
|
1953–1957 | |
1957–1961 | |
1961–1965 | |
1965–1969 |
Notes
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1935–1938 |
|
1938–1941 |
|
1945 |
|
1946–1949 |
|
1949–1953 | |
1953–1957 |
|
1957–1961 | |
1961–1965 | |
1965–1969 |
Notes
Panahon | Mga Kinatawan[4] | ||
---|---|---|---|
Ikaapat na Lehislatura ng Pilipinas 1916–1919[b] |
Rafael Bulayungan | Juan Cariño | Valentin Manglapus |
Ikalimang Lehislatura ng Pilipinas 1919–1922 |
Pedro Aunario | ||
Ikaanim na Lehislatura ng Pilipinas 1922–1925 |
Joaquin Codamon | Miguel Cornejo[c] | Henry A. Kamora |
Juan Cailles[d] | |||
Ikapitong Lehislatura ng Pilipinas 1925–1928 |
Saturnino Moldero | ||
Ikawalong Lehislatura ng Pilipinas 1928–1931 |
Clemente Irving | ||
Ikasiyam na Lehislatura ng Pilipinas 1931–1934 |
Hilary P. Clapp | Juan Gaerlan | Henry A. Kamora |
Ikasampung Lehislatura ng Pilipinas 1934–1935 |
Emiliano P. Aguirre | Felix P. Diaz | Rodolfo Hidalgo |
Notes
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1943–1944 |
|
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1984–1986 |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.