Pranses na DJ at prodyuser ng musika From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Pierre David Guetta (ipinanganak noong 7 Nobyembre 1967), higit na kilala bilang David Guetta (Pagbigkas sa Pranses: [daˌviːd gɛˈta]), ay isang Pranses na prodyuser ng house music at DJ.[1] Orihinal na isang DJ sa mga nightclub noong dekada 1980 at 1990, isa siya sa mga nagtatag ng Gum Productions at naglabas ng kanyang unang album na Just a Little More Love, noong 2002. Lumaon, inilabas niya ang Guetta Blaster noong 2004 at ang Pop Life noong 2007. Ang kanyang album noong 2009 na may pamagat na One Love na kinapapalooban ng mga sikat na single na "When Love Takes Over" (featuring Kelly Rowland), "Gettin' Over You" (featuring Chris Willis, Fergie at LMFAO) at "Sexy Bitch" (featuring Akon), kung saan ang huli ay pumasok sa isa sa limang mga sikat na awit sa Estados Unidos at ang tatlo naman ay umabot sa ika-1 puwesto sa Nagkakaisang Kaharian, at gaya din ng iba pang kilalang mga single ay umabot din sa limang pinakasikat na awit sa ibang mga bansa gaya ng "Memories" na itnampok ni Kid Cudi. Nakabenta si Guetta ng mahigit sa tatlong milyong mga albim at 15 milyong single sa buong daigdig.[2] Isa siya sa mga kasalukuyang hinahangad na prodyuser ng musika.[3]
David Guetta | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Pierre David Guetta |
Kapanganakan | Paris, Pransiya | 7 Nobyembre 1967
Genre | House, electro house, hip house |
Trabaho | DJ, record prodyuser, manunulat ng awit |
Taong aktibo | 1994–kasalukuyan |
Label | EMI Music France, Virgin, Positiva, Astralwerks |
Website | davidguetta.com |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.