Ang mga estado ng nagkrusada[1] ang isang bilang ng karamihang ika-12 at ika-13 siglo CE na mga estadong piyudal na nilikha ng mga Kanluraning Europeong nag-krusada sa Asya menor, Gresya at Banal na Lupain at noong Mga Krusadang Hilagaan sa silanganing rehiyong Baltiko. Ang pangalang ito ay tumutukoy rin sa ibang mga nakamit na teritoryo na kadalasan ay maliit at sandaling umiral na ginawa ng mga mediebal na Sangkakristiyanuhan laban sa mga kaaway na Muslim at Pagano.
Mediterraneo
Levant
Ang unang apat na mga estado ng nagkrusada ay nilikha sa Levant sa sandaling pagkatapos ng Unang Krusada:
- Ang unang estado ng nagkrusada na Kondado ng Edessa ay itinatag noong 1098 at tumagal hanggang 1149.
- Ang Prinsipalidad ng Antioch na itinatag noong 1098 at tumagal hanggang 1268.
- Ang Kaharian ng Herusalem na itinatag noong 1099 at tumaggal hanggang 1291 nang ang siyudad ng Acre ay bumagsak. Mayroon ring maraming mga basalyo ng Kaharian ng Herusalem na ang apat na pangunahing mga pampanginoon (seigneuries):
- Ang Prinsipalidad ng Galilea
- Ang Kondado ng Jaffa at Ascalon [
- Ang Pampanginoon ng Oultrejordain
- Ang Pampanginoon ng Sidon
- Ang Kondado ng Tripoli na itinatag noong 1104 na ang mismong Tripolo ay nasakop noong 1109 at tumagal hanggang 1289.
Ang Kahariang Armenian ng Cilicia ay mga pinagmulan bago ang mga krusada ngunit pinagkalooban ng katayuan ng isang kaharian ni Papa Inosente III at kalaunan ay naging buong kanluranin ng dinastiyang Pranses na Lusignan.
Cyprus
Noong Ikatlong Krusada, itinatag ng mga nagkrusada ang Kaharian ng Cyrpus. Sinakop ni Richard pusongleon ang Cyprus sa kanyang pagtungo sa Banal na Lupain. Kanyang kalaunang ibinenta ang isla sa mga Kabalyerong Templar na hindi nagawang panatilihin ang paghawak dahil sa kawalan ng mapagkukunan at mapanagpang na saloobin tungo sa lokal na populasyon na humantong sa sunod sunod na mga paghihimagsik. Ang mga Templar ay bumalik sa isla kay Richard na muling ibinenta ito sa natanggal na Hari ng Herusalem na si Guy ng Lusignan noong 1192. Nagtatag si Guy ng isang dinastiya na tumagal hanggang 1489 nang ang balo ni Haring Santiago III ang Bastardo, na si Reyna Catherine Conrano na katutubo ng Venice ay isinuko ang kanyang trono para sa Republiko ng Venice na nagdagdag sa teritoryo nito ang isla. [2] Sa karamihan ng kasaysayan nito sa ilalim ng mga haring Lusignan, ang Cyprus ay isang masaganang Kahariang Mediebal na isang pangkalakalang hub ng Kanluraning sangkakristiyanuhan sa Gitnang Silangan.[3] Ang pagbagsak ng Kaharian ng nagsimula nang ito ay masangkot sa alitan sa pagitan Italyanong Mangangalakal na Republika ng Genoa at Vencie. Ang pamumunong Venetian ng Cyprus ay tumagal ng higit sa 80 taon hanggang 1571 nang sakupin ng Imperyong Ottoman sa ilalim ni Sultan Selim II Sarkhosh ang buong isla.
Sa mga Balkan
Pagkatapos ng Ikaapat na Krusada, ang mga teritoryo ng Imperyong Byzantine ay nahati sa ilang mga estado na nagpasimula ng tinatawag na panahong "Frangokratia" (Griyego: Φραγκοκρατία):
- Ang Imperyong Latin sa Constantinople (1204–1261)
- Ang Kaharian ng Thessalonica (1205–1224)
- Ang Prinsipalidad ng Achaea (1205–1432)
- Ang Pampanginoon ng Argos at Nauplia (1205–1388)
- Ang Duchy ng Athens (1205–1458)
- Ang Margraviate ng Bodonitsa (1204–1414)
- Ang Duchy of Naxos (1207–1579)
- Ang Duchy ng Philippopolis (1204–1205)
Sa mga Baltika
Sa rehiyong Baltiko, ang mga katutubong tribo ng Gitnang Panahon sa simula ay tumatakwil sa Kristiyanismo. Noong 1193, hinimok ni Papa Celestino III ang isang krusada laban sa mga pagano na kinabibilangan ng mga Lumang Prusyano, mga Lithuanian, at iba pang mga tribong naninirahan sa Estonia, Latvia, at Silangang Prusya. Ang panahong ito ng digmaan ay tinatawag na Mga Krusada sa Hilagaan. Pagkatapos ng mga krusadang ito, nilutas ni William ng Modena bilang legato ng papa ang mga alitan sa pagitan ng mga nagkrusada sa Livonia at Prusya.
- Sa paghahati ng mga lupain ng Terra Mariana sa pagitan ng orden na nagkrusada ng Livonian Brothers of the Sword at Simbahang Katoliki, ang limang mga prinsipalidad ay nalikha:
- Archbishopric of Riga,
- Bishopric of Courland,
- Bishopric of Dorpat,
- Bishopric of Ösel-Wiek,
- Ang mga lupain ng Livonian Brothers of the Sword.
- Ang mga lupaing Estonian na kinontrol ng mga nagkrusadang Danish ay idinagdag sa Denmark bilang
- Duchy of Estonia[4] until it was ceded to the Teutonic Order state in 1346.
- Sa rehiyong Prusyano, hinati ni William ng Modena ang mga lupain sa pagitan ng mga Kabalyerong Teutoniko at Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng paglikha ng 5 na prinsiper- Bishopric sa ilalim ng Archbishopric ng Riga:
- Bishopric of Culm,
- Bishopric of Pomesania,
- Bishopric of Ermland,
- Bishopric of Samland.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.