Calumpit

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan From Wikipedia, the free encyclopedia

Calumpitmap

Ang Calumpit (pagbigkas: ka•lum•pít) ay isa sa mga munisipalidad ng lalawigan ng Bulacan na matatagpuan sa Region III o Gitnang Luzon. Ito ay nasa hilaga ng Hagonoy, timog ng Pulilan, kanluran ng Malolos at silangan ng Apalit. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 118,471 sa may 29,688 na kabahayan.

Agarang impormasyon Calumpit Bayan ng Calumpit, Bansa ...
Calumpit

Bayan ng Calumpit
Thumb
Thumb
Sagisag
Thumb
Mapa ng Bulacan na pinakita ang lugar Calumpit
Thumb
Thumb
Calumpit
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°55′N 120°46′E
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganBulacan
DistritoUnang Distrito ng Bulacan
Mga barangay29 (alamin)
Pamahalaan
  Punong-bayanGlorime "Lem" M. Faustino
  Manghalalal70,117 botante (2022)
Lawak
[1]
  Kabuuan56.25 km2 (21.72 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
  Kabuuan118,471
  Kapal2,100/km2 (5,500/milya kuwadrado)
  Kabahayan
29,688
Ekonomiya
  Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
  Antas ng kahirapan14.69% (2021)[2]
  Kita480 million (2022)
  Aset995.1 million (2022)
  Pananagutan339.3 million (2022)
  Paggasta388.9 million (2022)
Kodigong Pangsulat
3003
PSGC
031407000
Kodigong pantawag44
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
wikang Kapampangan
Websaytcalumpit.gov.ph
Isara

Etimolohiya

Ang pangalang Calumpit ay nagmula sa pangalan ng matibay na punong mayabong at madami na natagpuan sa harapan ng simbahan ng bayan.

Kasaysayan

Bago pa man dumating ang mga Kastila ay matagal nang nakatatag ang Calumpit bilang isang maunlad na pamayanan o bayan. Ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni Gat Maitim.

Ang iba pang mga karatig-bayan ng panahong iyon ay ang mga bayan ng Gatbuka, Meyto, Meysulao, Pandukot, Malolos, Macabebe, Hagonoy, and Apalit.

Nang ma-Hispanisado at maitatag bilang isang politikal at heyograpikal na yunit noong 1572 ang bayan ng Calumpit ay kanilang napagpasiyahan na maging sentro ang kasalukuyang Barangay Población bilang kalagayan ng kanilang simbahan at pati na rin bilang sentro ng pamamahala para sa mga nabanggit na mga barrio na napasanib sa bayang ito.

Mga Barangay

Ang mga sumuunod ay mga barangay ng Calumpit:

  • Balite
  • Balungao
  • Buguion
  • Bulusan
  • Calizon
  • Calumpang
  • Caniogan
  • Corazon
  • Frances
  • Gatbuca
  • Gugo
  • Iba Este
  • Iba O'Este
  • Longos
  • Meysulao
  • Meyto
  • Palimbang
  • Panducot
  • Pio Cruzcosa
  • Poblacion
  • Pungo
  • San Jose
  • San Marcos
  • San Miguel
  • Santa Lucia
  • Santo Niño
  • Sapang Bayan
  • Sergio Bayan
  • Sucol

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...
Senso ng populasyon ng
Calumpit
TaonPop.±% p.a.
1903 13,897    
1918 14,844+0.44%
1939 17,047+0.66%
1948 21,788+2.76%
1960 27,662+2.01%
1970 36,119+2.70%
1975 41,041+2.60%
1980 45,454+2.06%
1990 59,042+2.65%
1995 70,839+3.47%
2000 81,113+2.95%
2007 98,017+2.65%
2010 101,068+1.12%
2015 108,757+1.41%
2020 118,471+1.70%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]
Isara

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.