From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang birus (mula sa Latin na virus, na nangangahulugang lason)[1] ay isang ahenteng nakahahawa na nagpaparami lamang sa loob ng mga buhay na sihay ng isang organismo. Nakakapaghawa ang mga birus ng lahat ng uri ng anyong-buhay, mula sa hayop at halaman hanggang sa mga mikroorganismo, kabilang ang mga baktirya at arkeya.[2]
Mula noong artikulo ni Dmitri Ivanovsky noong 1892 na naglalarawan ng di-baktiryang mulsakit na naghahawa ng mga halaman ng tobako, at ang pagtuklas ng virus-mularang tabako ni Martinus Beijerinck noong 1898,[3] halos 5,000 sarihay ng virus ang nailarawan nang detalyado,[4] ngunit mayroong milyun-milyong uri nito.[5] Matatagpuan ang mga virus sa halos lahat ng mga ekosistema ng Daigdig at sila ang pinakamaraming uri ng biyolohikal na entidad.[6][7] Ang pag-aaral ng virus ay kilala bilang birolohiya, isang sangay ng of mikrobiolohiya.
Habang hindi sa loob ng nahawang sihay o sa proseso ng paghawa ng sihay, umiiral ang mga virus sa anyo ng sarilining partikulo o virion, na binubuo ng: (i) kamanahing bagay, yaon ay mahahabang mulatil ng DNA o RNA na nagkokodigo ng istraktura ng mga protina kung saan kumikilos ang virus; (ii) balat na gawa sa protina, ang kapside, na pumapalibot at pumoprotekta sa kamanahing bagay; at sa ilang kaso (iii) isang panlabas na balutan ng lipido. Iba't iba ang mga hugis nitong partikulong virus mula sa payak na anyong-pilipitin at ikosahedrika para sa mga ilang sarihay hanggang sa mas sali-salimuot na istraktura para sa mga iba. Karamihan ng mga sarihay ng virus ay may virion na masyadong maliit para makita sa mikroskopyong pangmata na mga sangkadaan ng laki ng karamihan ng mga baktirya.
Hindi klaro ang pinagmulan ng mga virus sa kasaysayan ng ebolusyon ng buhay: maaaring sumunlad ang mga iba mula sa mga plasmido—mga piraso ng DNA na maaaring lumipat-lipat sa mga sihay—while others habang sumunlad ang mga iba mula sa baktirya. Sa ebolusyon, mahalaga ang mga virus bilang paraan ng pahalang na paglipat ng kamana na nagpaparami ng kayamuang kamanahin sa paraang magkatulad sa reproduksyong seksuwal.[8] Ang mga virus ay itinuturing ng iba bilang anyong-buhay dahil nagdadala sila ng kamanahing bagay, nagpaparami, at sumusunlad sa pamamagitan ng likas na pagpili, ngunit kulang sila ng mga mahahalagang katangian (tulad ng istruktura ng sihay) na itinuturing ng karamihan bilang kinakailangan para maituring na buhay. Dahil mayroon silang ilan pero hindi lahat ng mga katangian, inilarawan ang mga virus bilang "organismo sa gilid ng buhay,[9] at bilang replikador.[10]
Marami ang mga paraan kung paano kumakalat ang mga virus. Ang isang paraan ay sa pamamagitan ng mga organismong nagdadala-ng-sakit na kilala bilang bektor: halimbawa, kadalasang nalilipat-lipat ang mga virus sa mga halaman sa pamamagitan ng insektong kumakain ng yago ng halaman, tulad ng mga dapulak; at maaaring ikarga ng mga insektong sumisipsip-ng-dugo ang mga virus sa mga hayop. Kumakalat ang virus-trangkaso sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahin. Inililipat ang mga virus-noro at virus-rota, karaniwang sanhi ng virusing gastroenteritis, sa rotang dumi–pabibig, na ipinapasa sa pagdaiti at pagpasok sa katawan sa pagkain o tubig. Ang HIV ay isa sa mga virus na lumilipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik at ng pagdaiti sa nahawang dugo. Ang "saklaw ng host" ng virus ay ang sari-saring uri ng sihay na maaari niyang ihawa. Maaaring makitid ito na nangngangahulugang makahahawa ang virus ng kakaunting sarihay lamang, o malawak na nangngangahulugang makahahawa siya ng marami.[11]
Pinupukaw ng mga virusing impeksyon sa hayop ng pagtugon ng imyunidad na tumatanggal ng nakahahawang virus. Maaari ring magawa ang mga pagtugon ng imyunidad sa pamamagitan ng bakuna na nagbibigay ng artipisyal na natamong imyunidad sa tiyak na virusing impeksyon. Nakaiiwas ang mga ilang virus, kabilang ang mga nagdadala ng AIDS and virusing hepatitis, sa mga pagtugon ng imyunidad at nagreresulta sa mga talamak na impeksyon. Iilang mga drogang panlaban sa virus ang nabuo na.
Adeno | Anaplasma | Arena | Astra | Bacteriophage | Bifdobacterium | Chlamydia | Calici | Corona (aktibo) | Crimean-Congo fever | Cytomegalo | Clastiridium | Dengue |
Ebola | Filamentous | Flavi | Hanta | Hepataytis | Herpes | Hiv (aktibo) | Influenza (aktibo) | Junin | Lactobacillus | Lassa | Lyssa | |
Marburg | Measles | Mumps | Meninghitis | Mpox (aktibo) | Nipah | Noro | Orto | Papilloma | Parbo | Polyo | Polyoma | Rabies (aktibo) |
Rhino | Rota | Rsv (aktibo) | Rubella | Spherical | Toga | Varicella | Zika |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.