Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bari ( /ˈbɑːri/ BAR-ee, Italyano: [ˈbaːri] ( pakinggan); Barese: Bare IPA: [ˈbæːrə]; Latin: Barium; Sinaunang Griyego: Βάριον, romanisado: Bárion) ay ang kabiserang lungsod ng Kalakhang Lungsod ng Bari and at ng rehiyon ng Apulia, sa Dagat Adriatiko, sa Katimugang Italya. Ito ang pangalawang pinakamahalagang sentrong ekonomiko ng kalupaan ng Katimugang Italy kasunod ng Napoles (pangatlo kasunod ng Palermo kapag sinama ang insular na Italya). Isa rin itong pantalan at pamantasang lungsod, gayon din ang lungsod ni San Nicholas. Ang mismong lungsod ay may populasyon ng 326,799 katao magmula noong 2015 at lawak na 116 square kilometre (45 mi kuw), habang ang pook urbano ay may 750,000 katao. Ang kalakhang pook ay may 1.3 milyong katao.
Bari Bare (Napolitano) | |||
---|---|---|---|
Comune di Bari | |||
Gabi sa Dalampasigan ng Pane e Pomodoro | |||
| |||
Mga koordinado: 41°07′31″N 16°52′0″E | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Apulia | ||
Kalakhang lungsod | Bari (BA) | ||
Pamahalaan | |||
• Mayor | Antonio Decaro (PD) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 117.39 km2 (45.32 milya kuwadrado) | ||
Taas | 5 m (16 tal) | ||
Populasyon (2018-01-01)[2] | |||
• Kabuuan | 323,370 | ||
• Kapal | 2,800/km2 (7,100/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Barese | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigong Postal | 70121-70132 | ||
Kodigo sa pagpihit | 080 | ||
Kodigo ng ISTAT | 072006 | ||
Santong Patron | San Nicolas | ||
Saint day | December 6 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Binubuo ang Bari ng apat na magkakaibang seksiyong urbano. Ang hilaga ay ang magkakatabing lumang bayan sa tangway sa pagitan ng dalawang makabagong mga daungan, kasama ang Basilika ni San Nicolas, ang Katedral ni San Sabino (1035–1171) at ang Kastilyo ng Hohenstaufen na itinayo para kay Frederick II, na isa na rin ngayong pangunahing distrito para sa buhay sa gabi. Sa timog naman ang Murat quarter (itinayo no Joachim Murat), ang makabagong sentro ng lungsod na inilatag sa isang planong parihaba na grid kasama ang pasyalan (promenade) sa dagat at ang pangunahing pangunahing distrito ng pamimili (ang via Sparano at via Argiro).
Ang mga makabagong sonang pamahayan na nakapaligid sa sentro ng Bari ay itinayo noong mga dekada-1960 at 1970. Pinalit ng mga ito ang mga lumang naik na umusbong sa kahabaan ng mga daang bumubuka papalabas mula sa mga tarangkahan sa mga pader ng lungsod. Dagdag nito, ang mga panlabas na naik ay mabilis na umusbong noong dekada-1990. Mayroon isang pinagandang paliparan ang lungsod na ipinangalan mula kay Papa Juan Pablo II, Paliparang Karol Wojtyła, na may mga koneksiyon sa ilang mga lungsod sa Europa.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.