From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pangkat na Badjao, Bajau, Sama o Samal, ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.
Kabuuang populasyon | |
---|---|
1.1 million sa buong mundo | |
Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
Pilipinas | ~470,000 |
Malaysia | ~436,672[1] |
Indonesia | ~345,000[2] |
Brunei | ~12,000[3] |
Wika | |
Sama,[4] Bajaw, Tausug, Tagalog, Malay/Indonesian | |
Relihiyon | |
Predominatly Sunni Islam Minority: Folk Islam at Kristianismo | |
Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
Yakan, Iranun, Lumad Tausūg, ibang mga Moro, Mga Pilipino Malay, Mga Bugis, at ibang mga Austronesyo |
Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.
Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may miyembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.
Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.
Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.