Atimonan
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Quezon From Wikipedia, the free encyclopedia
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Quezon From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Atimonan ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Matatagpuan ang bayan sa silangang baybayin ng lalawigan, 42 kilometro (26 milya) mula sa Lucena at 172 kilometro (107 milya) sa timog-silangan ng Maynila. Naghahanggan ang bayan sa mga munisipalidad ng Gumaca, Plaridel, Pagbilao at ng Padre Burgos. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 64,260 sa may 16,701 na kabahayan.
Atimonan Bayan ng Atimonan | ||
---|---|---|
| ||
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Atimonan. | ||
Mga koordinado: 14°00′13″N 121°55′11″E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | |
Lalawigan | Quezon | |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Quezon | |
Mga barangay | 42 (alamin) | |
Pagkatatag | 4 Pebrero 1608 | |
Pamahalaan | ||
• Punong-bayan | Rustico Joven U. Mendoza | |
• Manghalalal | 38,098 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 239.66 km2 (92.53 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 64,260 | |
• Kapal | 270/km2 (690/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 16,701 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan | |
• Antas ng kahirapan | 22.69% (2021)[2] | |
• Kita | ₱260,229,688.63107,451,954.00 (2020) | |
• Aset | ₱418,938,449.93184,292,876.00 (2020) | |
• Pananagutan | ₱57,919,979.0027,836,926.00 (2020) | |
• Paggasta | ₱209,971,561.47 (2020) | |
Kodigong Pangsulat | 4331 | |
PSGC | 045603000 | |
Kodigong pantawag | 42 | |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | atimonan.gov.ph |
Isang makasaysayang lugar ang bayan na itinayo pa noong panahong kolonyal ng mga Kastila. Maraming mga masaysayang mga lugar sa bayan tulad ng simbahang bayan, ang daang Balagtas, at ang watchtower ng Iskong Bantay, sa daang kapangalan din ng watchtower, na pangunahing ginamit noong panahong Kastila para mapag-handaan ang mga paglusob ng mga piratang muslim.
Ayon sa isang aklat ni Jesus Olega, sinasabing may tatlong pinanggalingan ang ngalan ng bayan ng Atimonan.
Nakabase ang ekonomiya ng Atimonana sa pangingisda at agrikultura. Marami rin ang nagiging marino. Bahagi ang bayan sa programang Tourism Highway ng Kagawaran ng Turismo.
Ang bayan ng Atimonan ay nahahati sa 42 barangay. Ang bawat barangay ay binubuo ng mga purok at ang ilan ay mayroong mga sityo.
|
|
|
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 11,203 | — |
1918 | 13,087 | +1.04% |
1939 | 18,512 | +1.67% |
1948 | 21,474 | +1.66% |
1960 | 32,294 | +3.46% |
1970 | 35,478 | +0.94% |
1975 | 37,483 | +1.11% |
1980 | 39,894 | +1.25% |
1990 | 46,651 | +1.58% |
1995 | 54,283 | +2.88% |
2000 | 56,716 | +0.94% |
2007 | 59,157 | +0.58% |
2010 | 61,587 | +1.48% |
2015 | 63,432 | +0.56% |
2020 | 64,260 | +0.26% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Atimonanin (atimonean) ang tawag sa mga naninirahan sa Atimonan. Tagalog ang pangunahing wika, at maraming lokal na ekspresyon. Kadalasang nauunawaan ng mga Manilenyo ang Atimonang Tagalog, ngunit may kakaunting pagkakaiba. Karamihan sa mga Atimonanin ay may lahing Intsik o kaya'y Kastila. Ang ibang Atimonanin naman ay nakakapagsalita ng Bicolano, Lan-nang, o kaya'y Espanyol.
Relihiyon
Pinakamalaking relihiyon ang Romano Katoliko sa Atimonan, may mga grupo o sekta din gaya ng Iglesia ni Cristo, Latter Day Saints at Born Again Christians. Ang Atimonan ay malalim na kaugat sa rural na buhay pangingisda. Ilan sa mga ibang relihiyon sa bayan ay:
Datos ng klima para sa Atimonan, Quezon | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 31.6 (88.9) |
32 (90) |
34 (93) |
34.6 (94.3) |
35.6 (96.1) |
36 (97) |
35 (95) |
35 (95) |
35.3 (95.5) |
35 (95) |
33 (91) |
32 (90) |
34.09 (93.4) |
Katamtamang baba °S (°P) | 21 (70) |
20.3 (68.5) |
21.3 (70.3) |
21 (70) |
22.6 (72.7) |
23 (73) |
23 (73) |
23 (73) |
23 (73) |
23 (73) |
23.3 (73.9) |
23.3 (73.9) |
22.32 (72.02) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 156.6 (6.165) |
169.3 (6.665) |
109 (4.29) |
60.9 (2.398) |
198.9 (7.831) |
235.4 (9.268) |
262.7 (10.343) |
156.2 (6.15) |
234.5 (9.232) |
326.8 (12.866) |
346.6 (13.646) |
304.3 (11.98) |
2,561.2 (100.834) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 22 | 6 | 6 | 5 | 15 | 15 | 13 | 14 | 8 | 22 | 17 | 16 | 159 |
Sanggunian: MDRRMO Atimonan[7] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.