Gumaca

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Quezon From Wikipedia, the free encyclopedia

Gumacamap

Ang Gumaca ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 71,942 sa may 19,260 na kabahayan.

Agarang impormasyon Gumaca Bayan ng Gumaca, Bansa ...
Gumaca

Bayan ng Gumaca
Thumb
Thumb
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Gumaca.
Thumb
Thumb
Gumaca
Gumaca
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 13°55′16″N 122°06′01″E
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganQuezon
DistritoPang-apat na Distrito ng Quezon
Mga barangay59 (alamin)
Pamahalaan
  Punong-bayanWebster D. Letargo
  Manghalalal46,520 botante (2022)
Lawak
[1]
  Kabuuan189.65 km2 (73.22 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
  Kabuuan71,942
  Kapal380/km2 (980/milya kuwadrado)
  Kabahayan
19,260
Ekonomiya
  Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
  Antas ng kahirapan19.76% (2021)[2]
  Kita₱273,149,101.20109,788,150.00 (2020)
  Aset₱474,399,881.96221,425,804.00 (2020)
  Pananagutan₱111,682,201.08102,526,584.00 (2020)
  Paggasta₱257,726,359.69 (2020)
Kodigong Pangsulat
4307
PSGC
045619000
Kodigong pantawag42
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytgumaca.gov.ph
Isara

Kasaysayan

Dating kilala bilang Bumaka (makipaglaban), ang kasalukuyang bayan ng Gumaca ay isang pinaglalagiang naitatag sa may timog na bahai ng ilog Palanas noong ika-14 na siglo ng isang grupo ng mga tao mula sa Borneo at Peninsulang Malay.

Ang pinakaunang kilalang pinuno ay si Lakan Bugtali. Ang kanyang nasasakupan ay umaabot sa mga rehiyon malapit sa Gusuan, na tinatawag na ngayong Lawa ng Lamon, mula sa Gamao papunta sa hilaga, patungo sa isla sa kabilang ibayo ng lawa na tinatawag na ngayong isla ng Alabat, patungo sa timog-kanlurang dadaan sa hilagang-silangang bahagi ng ngayong bayan ng Calauag, sa pinagmumulan ng Talolong, na bumabaybay sa bayan ng Lopez, at sa mga ilog ng Pandanan at sa hilagang-kanluran hanggang sa may itaas na bahagi ng ilog Kalilayan. Binubuo ito ng 93 mga barangay. Kaya naman nang ang unang mga Espanyol na dumating dito noong 1574 na pinamumunuan ni Fr. Diego Oropesa, itinatag nila ang grupo ng mga barangay na mayroong kanya-kanyang kalinangan at pamahalaan.

Mula 1574 hanggang 1670 ang bayan ng Gumaca ay pinamumunuan ng mga prayleng Espanyol. At mula 1671 hanggang 1893 ang bayan ay pinamumunuan na nang mga Espanyol at Pilipinong Gobernadorcillos. Mula 1893 hanggang 1900 ang mga namumuno sa bayan ay tinatawag na Capitan Municipal at mula 1901 ang namumuno sa bayan ay inihahalal na nang mga tao at tinatawag na Presidente Municipal. Taong 1963 ang taguri ay pinalitan na bilang mga Punong-bayan ng bayan.

Makikitang walang anumang batas na nabanggit na nagtatalaga sa bayan ng Gumaca bilang isang bayan at hindi rin ito nanggaling sa kung ano pa mang bayan. Ito pa nga ang nagsilang nang ilang bayan na ang pinakanatatangi ay ang bayan ng Lopez dahil sa ito ang pinakamalaki at pinakamaunlad sa bahaging iyon ng lalawigan.

Sa ilalim ng Batas ng Republika bilang 9495, na base sa magiging desisyon nang mga mamamayan nang lalawigan ng Quezon, ito ang magiging kapitolyo nang mabubuong bagong lalawigan kung maaaprubahan.

Pamahalaan

Thumb
Gusaling pangmunisipalidad ng Gumaca
  • Punong-bayan: Kgg. Webster D. Letargo
  • Pangalawang Punong-bayan: Kgg. Erwin P. Caralian
  • Mga Konsehal:
    • Kgg. Noel Dacillo (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Marilou C. Mendoza (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Elenita B. Lumenario (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Rico J. Bañal (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Ruvilon Juancho T. Mercurio (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Fernando Manalo (Kasapi ng SB)
    • Kgg. John Genmar Ylagan (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Prescilla Gina Magbuhos (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Reynante Castillo (Pangulo ng Pederasyon ng PB)
    • Kgg. Stephanie Marquez (Pangulo ng Pederasyon ng SK)

Mga Barangay

Thumb
Katedral ng San Diego de Alcala

Ang bayan ng Gumaca ay nahahati sa 59 na mga barangay.

  • Adia Bitaog
  • Anonangin
  • Bagong Buhay (Pob.)
  • Bamban
  • Bantad
  • Batong Dalig
  • Biga
  • Binambang
  • Buensuceso
  • Bungahan
  • Butaguin
  • Calumangin
  • Camohaguin
  • Casasahan Ibaba
  • Casasahan Ilaya
  • Cawayan
  • Gayagayaan
  • Gitnang Barrio
  • Hardinan
  • Inaclagan
  • Inagbuhan Ilaya
  • Hagakhakin
  • Labnig
  • Laguna
  • Lagyo
  • Mabini (Pob.)
  • Mabunga
  • Malabtog
  • Manlayaan
  • Marcelo H. Del Pilar
  • Mataas Na Bundok
  • Maunlad (Pob.)
  • Pagsabangan
  • Panikihan
  • Peñafrancia (Pob.)
  • Pipisik (Pob.)
  • Progreso
  • Rizal (Pob.)
  • Rosario
  • San Agustin
  • San Diego Poblacion
  • San Diego
  • San Isidro Kanluran
  • San Isidro Silangan
  • San Juan De Jesus
  • San Vicente
  • Sastre
  • Tabing Dagat (Pob.)
  • Tumayan
  • Villa Arcaya
  • Villa Bota
  • Villa Fuerte
  • Villa Mendoza
  • Villa Nava (Pob.)
  • Villa Padua
  • Villa Perez
  • Villa M. Principe
  • Villa Tañada
  • Villa Victoria

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...
Senso ng populasyon ng
Gumaca
TaonPop.±% p.a.
1903 5,324    
1918 7,540+2.35%
1939 12,904+2.59%
1948 19,131+4.47%
1960 27,284+3.00%
1970 36,366+2.91%
1975 39,337+1.59%
1980 42,143+1.39%
1990 48,189+1.35%
1995 53,568+2.00%
2000 60,191+2.53%
2007 63,778+0.80%
2010 69,618+3.24%
2015 73,877+1.14%
2020 71,942−0.52%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]
Isara

Mga Paaralan

Mababang na Paaralan

  • Paaralang Sentral ng Silangang Gumaca
  • Paaralang Sentral ng Kanlurang Gumaca

Mataas na Paaralan

  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Bantad
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Camohaguin
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Gumaca
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Inaclagan
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Panikihan
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Villa Perez
  • Holy Child Academy
  • San Vicente Rural High School
  • Lamon Bay School of Fisheries

Kolehiyo

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.