From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Agrigento (Italyano: [aɡriˈdʒɛnto]; Siciliano: Girgenti [dʒɪɾˈdʒɛndɪ] o Giurgenti [dʒʊɾˈdʒɛndɪ]; Sinaunang Griyego: Ἀκράγας; Latin: Agrigentum o Acragas; Arabe: Kirkent o Jirjent) ay isang lungsod sa katimugang baybayin ng Sicilia, Italya at kabesera ng Malayang Konsorsiyong Komunal ng Agrigento. Ito ay isa sa mga nangungunang lungsod ng Magna Graecia sa panahon ng ginintuang panahon ng Sinaunang Gresya na may mga pagtatantiya ng populasyon mula 200,000 hanggang 800,000 bago ang 406 BK.[3][4][5][6][7]
Agrigento Girgenti / Giurgenti (Sicilian) | |
---|---|
Comune di Agrigento | |
Agrigento na tanaw mula sa Lambak ng mga Templo. | |
Bansag: Signat Agrigentum mirabilis aula gigantum | |
Mga koordinado: 37°19′N 13°35′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Lalawigan | Agrigento (AG) |
Mga frazione | Fontanelle, Giardina Gallotti, Monserrato, Montaperto, San Leone, Villaggio La Loggia, Villaggio Mosè, Villaggio Peruzzo, Villaseta |
Pamahalaan | |
• Mayor | Francesco Miccichè (Civic) |
Lawak | |
• Kabuuan | 245.32 km2 (94.72 milya kuwadrado) |
Taas | 230 m (750 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 59,329 |
• Kapal | 240/km2 (630/milya kuwadrado) |
mga demonym | Agrigentino Girgentino English: Agrigentines Girgintans |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 92100 |
Kodigo sa pagpihit | 0922 |
Santong Patron | San Gerlando |
Saint day | Pebrero 25 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Agrigento ay itinatag sa isang talampas na tinatanaw ang dagat, na may dalawang kalapit na ilog, ang Hypsas at ang Akragas, at isang dalisdis sa hilaga na nagpapahintulot ng isang mataas ng likas na kuta. Ang pagtatatag nito ay nangyari noong 582-580 BK at iniugnay sa mga kolonyalistang Griyego mula sa Gela, na pinangalanan itong "Akragas".
Maraming iba pang pook Eleniko at Romano ang matatagpuan sa loob at paligid ng bayan. Kabilang dito ang isang pre-Elenikong santuwaryong yungib malapit sa isang Templo ni Demeter, kung saan itinayo ang Simbahan ng San Biagio. Ang isang huling Elenistikong monumentong puntod na maling nilagyan ng label na "Libingan ni Theron" ay matatagpuan sa labas lamang ng sagradong lugar, at isang 1st-century AD heroon (dambana ng bayani) na katabi ng ika-14 siglong Simbahan ng San Nicola na may maikling distansya sa hilaga. Ang isang malaking Grekoromanong lugar na lungsod ay nahukay din, at ilang mga klasikal na nekropolis at silyaran ay nananatili pa rin.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.