Abenida Kalayaan (Makati)

From Wikipedia, the free encyclopedia

Abenida Kalayaan (Makati)map

Ang Abenida Kalayaan (Ingles: Kalayaan Avenue) ay isang pangunahing lansangang panlungsod sa Makati, na may bahaging nasa Taguig. Ang haba nito ay 6.3 kilometro (3.9 milya), at bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 4 (R-4).

Agarang impormasyon Abenida Kalayaan Kalayaan Avenue, Impormasyon sa ruta ...
Abenida Kalayaan
Kalayaan Avenue
Thumb
Abenida Kalayaan sa kanluran ng Kalye Rockwell
Impormasyon sa ruta
Haba6.3 km (3.9 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranKalye Zobel Roxas sa Barangay Singkamas
 

– – Bel-Air Village – –

Dulo sa silanganKarugtong ng Abenida J.P. Rizal sa Barangay East Rembo
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMakati
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
Isara

Kasaysayan

Dating tinawag na Kalye Linyang Pasig (Pasig Line) ang Abenida Kalayaan. (Ginagamit pa rin ng distritong Santa Ana ang pangalang ito sa kanilang kalye na nagpapatuloy ng Abenida Kalayaan papuntang Maynila.) Tinatahak nito ang ruta ng dating linyang tramo ng Manila Electric Railway (na ino-opera ng Meralco) sa halos kabuuan nito. Ang linyang tramo ay itinayo noong 1908 subalit nawasak ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1][2] Ang kasunod na pag-sibol ng Bel-Air Village ng Ayala Corporation noong 1957 ang nagpa-putol sa malaking bahagi ng Pasig Line sa pagitan ng Rockwell Drive at EDSA.[3] Noong administrasyon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos, pinaayos ang abenida at pinangalanan itong Abenida Imelda (Imelda Avenue), mula sa dating unang ginang at kanyang asawa na si Imelda Marcos. Pagtapos ng pagpapatalsik sa rehimeng Marcos, pinangalanang Abenida Kalayaan ang abenida, mula sa salitang "kalayaan" (ibig sabihi'y "kasarinlan", o "freedom" sa wikang Ingles).

Ruta

Nahahati ang Abenida Kalayaan sa dalawang bahagi sa pamamagitan ng Bel-Air Village sa pagitan ng Kalye Amapola at EDSA

Thumb
Abenida Kalayaan sa pagitan ng Abenida South at Kalye Nicanor Garcia.

Nagsisimula ito bilang isang daang may apat na linya sa sangandaan nito sa Kalye Zobel Roxas sa Barangay Singkamas, Makati bilang isang karugtong ng Kalye Linyang Pasig ng Maynila. Dumadaan ito sa mga barangay pang-komersiyal at pamahayan ng Tejeros, Santa Cruz, Olympia, Valenzuela, Bel-Air, at Makati Poblacion. Sa kalagitnaan, sa pagitan ng Abenida South at Kalye Nicanor Garcia, nagsisilbi itong hilagang hangganan ng Sementeryo Sur (Manila South Cemetery). Paglapit ng Abenida Makati, dumadaan ito sa may Century City at Picar Place, mga umuusbong na lugar na kung saan itinatayo (o naitayo na) ang mga matataas na gusaling pang-hinaharap tulad ng The Stratford Residences, Trump Tower Manila, at The Gramercy Residences. Biglang matatapos ito sa sangandaan nito sa Kalye Rockwell (Rockwell Drive) sa may pasukan ng Bel-Air Village, kung saan tutuloy ito bilang Kalye Mercedes.

Thumb
Bahagi ng Abenida Kalayaan sa silangan ng EDSA

Sa silangan ng Bel-Air paglampas ng EDSA, tutuloy ang Abenida Kalayaan bilang isang lansangang may panggitnang harangan at anim hanggang walong linya. Pagpasok ng Taguig sa harap ng pasukan ng Bonifacio Global City, liliko ito ng pahilagang-silangan paglampas ng Kalye 32 (sa gayon ay hindi ito didiretso sa Bonifacio Global City). Papasok ito sa mga barangay na Guadalupe Nuevo at Cembo, kung saan liliko ito pasilangan paglapit ng sangandaan ng Ikawalong Abenida (Eighth Avenue) sa West Rembo. Papasok naman ito sa East Rembo kung saan babagtasin nito ang Daang C-5. Nagtatapos ng tuluyan ang Abenida Kalayaan sa sangandaan nito sa karugtong ng Abenida J.P. Rizal, at tutuloy ito patungong Pasig bilang Abenida M. Concepcion.

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.