Tsinong marinero at maglalayag From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Zheng He (Tsino: 鄭和; Pangalan pagkapanganak: 馬三寶 / 马三宝; pinyin: Mǎ Sānbǎo; Arabe: Hajji Mahmud; 1371–1433 o 1435) ay ang pinakakilalang Intsik na marino at tagapaglayag. Kolektibong tinatawag ang kanyang mga paglalayag bilang ang mga paglalakbay ng "Ang Kinapong Sanbao sa Kanlurang Karagatan" (三保太監下西洋, Eunuch Sanbao to the Western Ocean) o "Si Zheng He sa Kanlurang Karagatan", mula 1405 hanggang 1433. Sa pagdating ng panahon na napuntahan na ng mga barkong Europeo ang Asya, nagalugad na ng mga barkong Intsik ang karamihan sa mga daanang pandagat. Ang pagkakaiba lamang ay hindi nagtatag ng pangmatagalang mga himpilang pangkalakalan ang mga Tsino sa mga napuntahan nila.[2]
Zheng He | |
---|---|
Kapanganakan | 1371[1] |
Kamatayan | 1433 (edad 61–62) o 1435 (edad 63–64) |
Ibang pangalan | Ma He Sanbao Cheng Ho |
Trabaho | Almirante, diplomatiko, manggagalugad, at bating o kinapon na naglilingkod sa palasyo (palace eunuch) |
Panahon | Dinastiyang Ming |
Alinsunod sa kautusan ng Tsinong emperador, pinamunuan ni Zheng He ang pitong mga paglalakbay mula 1405 hanggang 1433 na binubuo ng 300 mga barko na naglululan ng 27,000 mga tauhan. Napuntahan nila ang Vietnam, Indonesia, Sri Lanka, Arabyang Saudi, Ehipto, at Silangang Aprika. Sa bawat pook na napuntahan ni Zheng He, humingi siya sa mga katutubong pinuno ng lugar ng pagbibigay-pugay sa emperador ng mga Tsino. Dahil sa mga paglalakbay ni Zheng He, naragdagan ang kapangyarihan at yaman ng Tsina.[2][3][4]
Zheng He | |||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tradisyunal na Tsino | 鄭和 | ||||||||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 郑和 | ||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ipinanganak si Zheng He noong 1371 sa Yunnan, sa paanan ng bulubunduking Himalaya. [4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.