From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ur ay isang estadong lungsod na itinatag ng mga Sumeryo noong mga 3000 BCE. Matatagpuan ang mga guho o labi nito sa katimugang Irak, kalapit ng Ilog ng Euprates.[1]
أور (sa Arabe) | |
Kinaroroonan | Tell el-Muqayyar, Dhi Qar Province, Iraq |
---|---|
Rehiyon | Mesopotamia |
Klase | Settlement |
Nawasak ng isang malaking baha, ang Malaking Pagbaha na tinutukoy sa Bibliya (basahin din ang Epiko ni Gilgamesh at Arka ni Noe), ang isang maagang maliit na pamayanan sa Ur. Pagkaraan ng bahang ito, namuhay sa Ur ang isang pangkat ng mga Sumeryong may angking mataas na antas ng kabihasnan, na binubuo ng mga manlililok, tagagawa ng mga paso, tagagawa ng mga metal, at mga tagapagtayo ng mga gusali.[1]
Noong mga 1920, nahukay mula sa Ur ang isang maharlika o royal na libingang naglalaman ng ginto, pilak, at tansong-pula o bronse. Inilibing ang mga hari at reyna ng Ur na kasama ang isang malaking bilang ng mga alalay sa korte o alipores. Nilason ang mga kampon sa korteng ito dahil sa paghahangad o pag-asang paglilingkuran sila ng mga ito sa "kabilang daigdig" o "kasunod na mundo".[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.