![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/bc/TurkishDelightDisplay.jpg/640px-TurkishDelightDisplay.jpg&w=640&q=50)
Turkong katamisan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Turkong katamisan o lokum (Ingles: Turkish delight) ay isang pamilya ng konpeksyon na nakabase sa isang dyel ng almirol at asukal. Binubuo nang karamihan ang mga premyum na baryante ng mga tinadtad na datiles, mga pistatso, at mga abelyana o mga nogales na nakagapos sa dyel; Ang mga tradisyunal na baryante ay kadalasang pinapalasa ng tubig-rosas, mastic, dalandang Bergamot, o limon. Kadalasang nakabalot ang konpeksyon at kinakain na maliliit na kubo na minamatamis ng pulbos-asukal, kopra, o pulbos na kremang Tartar, upang maiwasan ang pagdikit. Kabilang sa iba pang mga karaniwang lasa ang kanela at malipukon. Sa proseso ng produksyon, maaaring gamitin ang saponaria bilang isang pang-emulsyong aditibo.
![]() Mga sari-saring Turkong katamisan | |
Ibang tawag | Lokum |
---|---|
Uri | Konpeksyon |
Lugar | Imperyong Ottoman,[1] Persya[2] |
Ihain nang | Temperatura ng kwarto |
Pangunahing Sangkap | Almirol, asukal |
Baryasyon | Iba't iba |
|
Hindi klaro ang pinagmulan ng konpeksyon, ngunit ito ay kilala na ginawa sa Turkey sa kasing aga ng huli ng siglong 1700, samakatuwid ang pangalan nito.
Sa lutuing Iraki may kendi na katulad ng Lukum, na gawa mula sa mga prutas ng lupa na tinatawag na "Luzina".