![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c7/Sikwate.jpg/640px-Sikwate.jpg&w=640&q=50)
Tsokolate (inumin)
inuming Pilipino na gawa sa tabliya / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tsokolate (Tagalog: [tʃoko'late]), ay isang makapal at mainit na inumin na katutubo sa Pilipinas. Gawa ito mula sa tabliya o tablea, mga tableta ng purong butil ng kakaw na giniling at binusa, na pinatunaw sa tubig at gatas. Tulad ng sa mga bersiyong Espanyol at Mehikano ng tsokolateng mainit, kaugalian nang ihanda ito sa isang tsokolatera at mabilis na hinahalo sa isang kahoy na baton na tinatawag na molinilyo (tinatawag ding batidor o batirol), na nagpapabula sa inumin. Karaniwang pinapatamis ang tsokolate ng kaunting maskabado, at may kakaibang gaspang.[1][2]
Karaniwang iniinom ang tsokolate sa almusal, at sinasabayan ng mga tradisyonal na kakanin o pandesal at iba pang uri ng mga pasteleryang Pilipino. Sikat din ito tuwing kapaskuhan sa Pilipinas, lalo na sa mga bata.[2][3]