![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/51/RiflemansRule.svg/langtl-640px-RiflemansRule.svg.png&w=640&q=50)
Trahektorya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang isang trahektorya o landas ng paglipad ay landas na sinusundan ng isang bagay na may masa sa mosyon sa espasyo bilang isang punsiyon ng panahon. Sa klasikong mekanika, ang isang trahektorya ay ipinapaliwanag ng mekanika ni Hamilton via mga kanonikong koordinado: kaya, ang isang kumpletong trahektorya ay ipinapaliwanag ng posisyon at momentum, nang sabay.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/51/RiflemansRule.svg/640px-RiflemansRule.svg.png)
Ang masa ay puwedeng isang panudla o isang buntabay.[1] Halimbawa, puwedeng isang ligiran — ang landas ng isang planeta, asteroyd o kometa habang naglalakbay sa paligid ng isang sentral na masa.
Sa teorya ng kontrol, ang isang trahektorya ay isang pangkat, na inaayos sa panahon, ng mga estado ng isang sistemang dinamiko (tingnan ang e.g. mapa ni Poincaré). Sa diskretong matematika, ang isang trahektorya ay isang sekwensiyang ng mga halagang kinakalkula ng iteradong aplikasyon ng isang pagmamapang
sa isang elementong
ng niyang pinagmulan.