Tonikaku Kawaii
2018 manga ni Kenjiro Hata / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tonikaku Kawaii,[lower-alpha 1] ay isang serye ng manga mula sa bansang Hapon na isinulat at inilarawan ni Kenjiro Hata. Baha-bahagi itong inilalathala sa magasing Weekly Shōnen Sunday ng Shogakukan noon pang Pebrero 2018. Umiikot ang kuwento kay Nasa Yuzaki, isang henyong binata at ang namumuong pag-ibig sa pagitan niya at sa kanyang bagong asawa na si Tsukasa, ang nagligtas sa kanya noong naaksidente siya sa simula ng kuwento.
Agarang impormasyon トニカクカワイイ Ang Kyut Niya Talaga, Dyanra ...
Tonikaku Kawaii Tonikaku Kawaii | |
トニカクカワイイ Ang Kyut Niya Talaga | |
---|---|
Dyanra | Romansa, komedya |
Manga | |
Kuwento | Kenjiro Hata |
Naglathala | Shogakukan |
Imprenta | Shōnen Sunday Comics |
Magasin | Weekly Shōnen Sunday |
Demograpiko | Shounen |
Takbo | Pebrero 14, 2018 – kasalukuyan |
Bolyum | 24 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Hiroshi Ikehata |
Iskrip | Kazuho Hyodo |
Musika | Endou |
Estudyo | Seven Arcs |
Lisensiya | Crunchyroll Media Plus Networks Asia |
Inere sa | Tokyo MX, ytv, BS-NTV |
Takbo | Oktubre 3, 2020 – Hunyo 24, 2023 |
Bilang | 24 + 2 OVA (Listahan ng episode) |
Portada ng Anime at Manga |
Isara
Nagkaroon ito ng isang anime noong Oktubre 2020. Ginawa ito ng istudyong Seven Arcs.
Lisensiyado para ilabas ang naturang manga ang Viz Media sa Hilagang Amerika.