Weekly Shōnen Sunday
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Weekly Shōnen Sunday (Hapones: 週刊少年サンデー, Hepburn: Shūkan Shōnen Sandē) ay isang lingguhang magasin na shōnen na manga na nilathala sa bansang Hapon ng Shogakukan simula noong Marso 1959. Taliwas sa pamagat nito, ang mga isyu ng Weekly Shōnen Sunday ay nilalabas tuwing Miyerkules. Nakapagbenta ang Weekly Shōnen Sunday ng higit sa 1.8 bilyong sipi simula pa noong 1986, na ginagawa ang magasin na ito bilang ang ikaapat na pinakamabentang magasin na manga, pagkatapos ng Weekly Shōnen Jump, Weekly Shōnen Magazine at Weekly Young Jump.
Agarang impormasyon Patnugot, Dating patnugot ...
Patnugot | Yu Torimitsu |
---|---|
Dating patnugot | Masaki Nawata |
Kategorya | Shōnen manga[1][2] |
Dalas | Lingguhan |
Sirkulasyon | 302,167[2] (Marso, 2018) |
Unang sipi | 17 Marso 1959; 65 taon na'ng nakalipas (1959-03-17) |
Kompanya | Shogakukan |
Bansa | Hapon |
Wika | Hapones |
Websayt | Shōnen Sunday |
Isara