Tipograpiya
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang tipograpiya ay isang sining at pamamaraan ng pagsasaayos ng mga tipo upang makagawa ng wikang nakasulat na malinaw, nababasa at kalugud-lugod kapag naipapakita. Ang pagkakaayos ng tipo ay kinakasangkutan ng pagpili sa mga pamilya ng tipo ng titik, mga laki ng punto, nga haba ng linya, espasyo ng linya (leading) at espasyo ng titik (tracking), at ang pag-ayos ng mga espasyo sa pagitan ng mga pares ng titik (kerning[1]). Nagagamit din ang katawagang tipograpiya sa estilo, pagkakaayos, at hitsura ng mga titik, bilang, at simbolo na nilikha ng proseso. Isang malapit may kaugnayan na kasanayan ang disenyo ng tipo na tinuturing minsan na bahagi ng tipograpiya; karamihan sa mga tipograpo ay hindi nagdidisenyo ng mga pamilya ng tipo ng titik, ay may ilang uri ng mga nagdidisenyo na hindi tinuturing ang sarili bilang mga tipograpo.[2][3] Maari din na gamitin ang tipograpiya bilang isang kagamitang pang-dekorasyon na walang kaugnayan sa pakikipagtalastasan o kabatiran.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.