From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa tipograpiya, ang ponte, tipo ng titik, o tipo ng letra (Ingles: font, fount) ay ang laki, hugis, at estilo ng titik sa paglilimbag. Ito ang lahat ng mga titik o mga karakter ng isang iisang sukat ng isang pamilya ng tipo ng titik (typeface).[1] Halimbawa, ang lahat ng mga karakter para sa 9 puntos o 9 na tuldok ng Bulmer ay isang ponte, at ang 10 puntos ay isa ring ibang ponte. Dahil sa pagtaas ng paggamit ng mga personal na kompyuter o pansariling kompyuter, nabago ang kahulugan nito. Kadalasan na ngayon itong ginagamit bilang ibang pangalan para sa isang tipong-mukha. Ang sukat ng mga karakter ay walang epekto sa mga ponte kapag ginagamit sa ganitong kahulugan.
Maraming mga pangalan ang ginagamit upang ilarawan ang bigat ng tipo ng titik na nagkakaiba sa sipo ng mga foundry at mga nagdisenyo, ngunit ang kanilang kaugnay na ayos ay karaniwang nakapirmi, na parang ganito:
Mga pangalan | Halang numeriko[2] |
---|---|
Thin / Hairline | 100 |
Ultra-light / Extra-light | 200 |
Light | 300 |
Book / Semilight | |
Normal / regular / plain | 400 |
Medium | 500 |
Semi-bold / Demi-bold | 600 |
Bold | 700 |
Extra-bold / extra | 800 |
Heavy / Black | 900 |
Extra-black | |
Ultra-black / ultra |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.