![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/e6/Hershey_Factory.jpg/640px-Hershey_Factory.jpg&w=640&q=50)
The Hershey Company
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang The Hershey Company, (dati kilala bilang Hershey Foods Corporation bago ang Abril 2005)[3] karaniwang tinatawag bilang Hershey's, ay isang kompanyang nakabase sa Estados Unidos at isa sa mga pinakamalaking kompanyang gumagawa ng tsokolate sa buong mundo. Gumagawa din sila ng mga produktong inihurno, tulad ng kukis at keyk; milk shake, mga inumin at marami pang iba, na nadaragdagan ang malawak na pagpipilian.[4] Nasa Hershey, Pennsylvania ang kanilang punong-tanggapan, na kilala din bilang tahanan ng Hersheypark at Hershey's Chocolate World. Itinatag ito ni Milton S. Hershey noong 1894 bilan ang Hershey Chocolate Company, isang sangay ng kanyang Lancaster Caramel Company. May minoryang bahagi ang Hershey Trust Company sa kompanya ngunit nanatili ang mayoryang kapangyarihan sa pagboto sa loob ng kompanya.[5]
![]() | |
![]() Ang orihinal na pabrika ng tsokolate ng Hershey, 1976 | |
Uri | Publiko |
---|---|
Nagnenegosyo bilang | NYSE: HSY S&P 500 Component |
Industriya | Pagproseso ng pagkain |
Itinatag | 9 Pebrero 1894; 130 taon na'ng nakalipas (1894-02-09) (bilang Hershey Chocolate Company) Lancaster, Pennsylvania, Estados Unidos[1] |
Nagtatag | Milton S. Hershey |
Punong-tanggapan | , |
Pinaglilingkuran | Buong mundo |
Pangunahing tauhan | Charles A. Davis (Tagapangulo) Michele Buck (Pangulo at CEO) |
Produkto | Bar ng Hershey at marami pang iba |
Kita | ![]() |
Kita sa operasyon | ![]() |
Netong kita | ![]() |
Kabuuang pag-aari | ![]() |
Kabuuang equity | ![]() |
Dami ng empleyado | 15,360 (Regular)[2] (2017) |
Website | hersheys.com |