From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang yaman, kayamanan, o kasaganaan, at kung minsan ay ginhawa dahil sa pagkakaroon ng mga ari-arian, ay ang kasagsagan o abundansiya ng mahahalagang mga napagkukunan o mga pag-aaring materyal. Ang indibiduwal, pamayanan, rehiyon o bansa na nagmamay-ari o mayroong kasaganahan ng ganiyang mga pag-aari o mga napagkukunan ay tinatawag na mayaman o masagana.
Ang diwa ng yaman ay mahalaga sa lahat ng mga pook ng ekonomiya, at maliwanag na para sa ekonomika ng paglaki at ekonomika ng kaunlaran, gayun pa man ang kahulugan ng yaman ay nakabatay sa diwa. Sa pinaka mapangkalahatang antas, maaaring bigyan ng kahulugan ng mga ekonomista ang yaman bilang anumang bagay na mayroong halaga, na sumasalo kapwa sa likas na pansarili ng ideya at sa ideya na hindi ito isang konseptong nakapirmi o hindi gumagalaw. Sari-saring mga kahulugan at mga diwa ng yaman ang ipinahayag ng sari-saring mga indibiduwal at nasa loob ng iba't ibang mga konsepto.[1] Ang pagbibigay ng kahulugan sa yaman ay isang prosesong normatibo na may samu't saring mga kahihinatnang pang-etika, dahil sa madala na ang maksimisasyon o labis na pagpapalaki ng yaman ay tinatanaw mismo bilang isang layunin o iniisip na isang prinsipyo o alituntuning normatibo.[2][3]
Ang kahulugan ng Mga Nagkakaisang Bansa para sa "yamang kalakip" o "yamang kasama" (inclusive wealth sa Ingles) ay ang sukatang pampananalapi na nagsasama ng kabuoan ng mga pag-aaring katangian na likas, tao, at pisikal.[4][5] Ang likas na puhunan ay kinabibilangan ng lupain, mga kagubatan, mga panggatong na kusilba, at mga mineral. Ang puhunang tao ay ang edukasyon at kasanayan ng populasyon. Ang puhunang pisikal (o "minapaktura") ay kinabibilangan ng mga bagay na katulad ng makinarya, mga gusali, at imprastruktura.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.