Taizhou, Jiangsu
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Taizhou ay isang antas-prepektura na lungsod sa gitnang bahagi ng lalawigan ng Jiangsu sa silangang Tsina. Ito ay nasa hilagang pampang ng Ilog Yangtze, at hinahangganan ng Nantong sa kanluran, Yancheng sa hilaga at Yangzhou sa kanluran.
Taizhou 泰州市 Taichow | |
---|---|
Antas-prepektura na lungsod | |
Gusaling pamahalaan ng Distrito ng Hailing sa kabayanan ng Taizhou | |
Mapang inilalarawan ang teritoryong administratibo ng Taizhou | |
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists. | |
Mga koordinado: 32°27′N 119°55′E | |
Bansa | Republikang Bayan ng Tsina |
Lalawigan | Jiangsu |
Pamahalaan | |
• Alkalde | Xu Guoping[1] |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 5,787.254 km2 (2,234.471 milya kuwadrado) |
• Urban | 1,567.1 km2 (605.1 milya kuwadrado) |
• Metro | 1,567.1 km2 (605.1 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso 2010) | |
• Antas-prepektura na lungsod | 4,618,937 |
• Kapal | 800/km2 (2,100/milya kuwadrado) |
• Urban | 1,607,108 |
• Densidad sa urban | 1,000/km2 (2,700/milya kuwadrado) |
• Metro | 1,607,108 |
• Densidad sa metro | 1,000/km2 (2,700/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 225300 (Urban center) 214500, 225400, 225500, 225600, 225700 (Other areas) |
Kodigo ng lugar | 523 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-JS-12 |
GDP | ¥270.2 billion (2012) |
GDP sa bawat tao | ¥58,478 (2012) |
Pangunahing mga kabansaan | Han |
Mga dibisyong antas-kondado | 6 |
Mga dibisyong antas-township | 105 |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 苏M |
Websayt | taizhou.gov.cn |
Taizhou | |||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 泰州 | ||||||||||||||||||
Hanyu Pinyin | Tàizhōu | ||||||||||||||||||
Postal | Taichow | ||||||||||||||||||
|
Ayon sa senso 2010, may populasyon itong 4,618,937 katao, 1,607,108 sa kanila ay nasa built-up area (o kalakhang pook) na binubuo ng tatlong mga distritong urbano: Hailing, Jiangyan, at Gaogang.[2] Dalawang antas-kondado na mga lungsod ay may higit sa isang milyong katao – Xinghua na may 1,253,548 katao at Taixing na may 1,073,921 katao – kapuwang kabilang sa pinakamahalagang antas-kondado na mga lungsod sa Tsina. Itinuturing ni Hu Jintao na dating Kalihim Heneral ng Partido Komunista ng Tsina ang Taizhou bilang kaniyang sariling bayan, gayon din si Mei Lanfang na isa sa mga bantog na artista ng Peking opera sa makabagong kasaysayan ng Tsina.
Ayon sa paniniwala, nakilala ang Taizhou bilang "Hǎiyáng" (海陽) noong panahon ng Tagsibol at Taglagas.[3]
Bilang bahagi ng Linhuai Commandery, itinatag ang Kondado ng Hailing sa kasalukuyang Taizhou, noong panahon ng Kanluraning Han. Ipinapahiwatig ng pangalan nito "Hǎilíng" (海陵) na isa itong mataas na lugar sa baybaying dagat. Hiniwalay ang Hailing at mga kalapit na pook nito mula Yangzhou upang makatatag ng isang prepektura, Tai zhou, noong 937 PK nang namuno sa lugar si Li Bian ng Katimugang Tang. Noong 939 PK, ikinulong ni Li ang naulilang pamilyang Yang sa Palasyo ng Yongning, Taizhou, kasunod ng pagkamatay ni Yang Pu.
Ini-angat sa "lu" (circuit o isang uri ng distrito) ang katayuan ng Taizhou noong 1277, ngunit ibinalik at isinanib sa Yangzhou pitong taon pagkaraan nito.
Sa pasimula ng panahong Republikano sa Tsina, ginawang kondado ng Tai ang Tai zhou, at kinuha ito ng Partido Komunista ng Tsina noong Enero 21, 1949. Hiniwalay ang kabayanan ng kondado na naging lungsod ng Taizhou, na luklukan ng Komisyong Administratibo ng Hilagang Jiangsu hanggang Nobyembre. Itinatag ang Hukbong Pandagat ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (PLA Navy) sa Baimamiao, kondado ng Tai noong Abril 23, 1949.[4] Isinanib ang kondado at lungsod upang maging bagong kondado ng Tai noong Mayo 1950, ngunit ibinalik noong Oktubre. Muling sinanib ang dalawa noong 1958, subalit hiniwalay muli noong 1962.
Pinamamahala ng antas-prepektura na lungsod ng Taizhou ang anim na mga mga dibisyong antas-kondado, kasama ang dalawang mga distrito at apat na antas-kondado na mga lungsod.
Nahahati pa ang mga ito sa 105 mga dibisyong antas-township, kasama ang 91 mga bayan, walong mga township at anim na mga subdistrito.
Map | |||||
---|---|---|---|---|---|
Subdibisyon | Hanzi | Pinyin | Populasyon (2010) | Lawak (km2) | Kapal ng populasyon |
Kabayanan (poblasyon) | |||||
Distrito ng Hailing | 海陵区 | Hǎilíng Qū | 594,656 | 337.9 | 1,760 |
Sa naik | |||||
Distrito ng Gaogang | 高港区 | Gāogǎng Qū | 283,807 | 301.7 | 941 |
Distrito ng Jiangyan | 姜堰区 | Jiāngyàn Qū | 728,645 | 927.53 | 786 |
Mga kalapit na (lungsod) | |||||
Jingjiang | 靖江市 | Jìngjiāng Shì | 684,360 | 665.6 | 1,044 |
Taixing | 泰兴市 | Tàixīng Shì | 1,073,921 | 1,169.56 | 891.8 |
Xinghua | 兴化市 | Xīnghuà Shì | 1,253,548 | 2,394.96 | 523 |
Kabuoan | 4,618,937 | 5,787.25 | 798 |
Magkakambal ang Taizhou sa:
|
|
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.