Taingang daga
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang taingang daga (Ingles: cloud ear fungus, cloud's ears[1], o black wood ears[1]; pangalang pang-agham: Auricularia polytricha, singkahulugan: Hirneola polytricha) ay isang uri ng nakakain at mala-gulamang fungus. Inaalagaan at pinararami ang mga ito para ipagbili. Karaniwang ibinebenta ito sa mga tindahang Intsik. Kapag binasa at binabad sa tubig, nagiging kulay tila-tersiyupelo[2] o pelus[2] na kayumanggi. Nakapagbibigay ng kalutungan at kagaspangan sa mga lutuin kapag kinakain na.[1]
Agarang impormasyon Klasipikasyong pang-agham, Pangalang binomial ...
Taingang daga | |
---|---|
Taingang daga | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Dibisyon: | Basidiomycota |
Hati: | Heterobasidiomycetes |
Orden: | Auriculariales |
Pamilya: | Auriculariaceae |
Sari: | Auricularia |
Espesye: | A. polytricha |
Pangalang binomial | |
Auricularia polytricha (Mont.) Sacc. | |
Isara
- Tungkol ito sa isang nakakaing fungus, para sa bahagi ng ulo ng daga tingnan ang anatomiya ng daga. Para sa ibang gamit tingnan ang taingang daga (paglilinaw).