Sinaunang Panahon ng mga Hudyo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Antigedades ng mga Hudyo o Sinaunang Panahon ng mga Hudyo (Ingles:Antiquities of the Jews; Latin: Antiquitates Iudaicae; Griyego: Ἰουδαϊκὴ ἀρχαιολογία, Ioudaikē archaiologia) ay isang 20 bolyum na akdang historyograpikal na isinulat sa Sinaunang Griyego ng mananalaysay na si Flavio Josefo noong ika-13 taon ng pamumuno ng emperador ng Imperyong Romano na si Flavio Domiciano noong mga 93 o 94 CE.[1] Sinasalaysay nito ang kasaysayan ng mga Hudyo para sa mga patron na hentil ni Josefo. Sa unang sampung bolyum, sinalaysay ni Josefo ang mga pangyayari sa Bibliyang Hebreo mula sa paglikha kina Adan at Eba. Sinasalaysay ng ikalawang bolyum ang kasaysayan ng mga Hudyo hanggang sa Unang Digmaang Hudyo-Romano noong mga 66-73 CE. Nagbibigay ang akdang ito ni Josefo kasama ang isa pang pangunahing akda, ang Digmaang Hudyo (De Bello Iudaico), ng mahalagang materyal para sa mga dalubhasa sa kasaysayan na nais maunawaan ang Hudaismo noong unang siglo CE at panahon ng sinaunang Kristiyanismo.[2]
May-akda | Flavio Josefo |
---|---|
Orihinal na pamagat | Ἰουδαϊκὴ ἀρχαιολογία |
Tagapagsalin | Thomas Lodge William Whiston Henry St. John Thackeray Ralph Marcus |
Bansa | Imperyong Romano |
Wika | Griyegong Koine |
Paksa | Kasaysayan ng mga Hudyo |
Dyanra | historyograpiya |
Nilathala | 93 o 94 CE |
Nilathala sa Ingles | 1602 |
Uri ng midya | manuskrito |
Dewey Decimal | 296.093 |
Klasipikasyon ng Aklatan ng Kongreso | DS116.J7418 |
Orihinal na teksto | Ἰουδαϊκὴ ἀρχαιολογία at Griyego Wikisource |
Salin | Antigedades ng mga Hudyo Sinaunang Panahon ng mga Hudyo at Wikisource |