Shenzhen
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Shenzhen ( /ˈʃɛnˈdʒɛn/, Mandarin: [ʂə́n.t͡ʂə̂n] ( pakinggan)) ay isang pangunahing lungsod sa lalawigan ng Guangdong, Tsina; bahagi ito ng megalopolis na Delta ng Ilog Perlas, at hinahangganan ng Hong Kong sa timog, Huizhou sa hilagang-silangan, at Dongguan sa hilagang-kanluran. Hawak nito ang katayuang sub-probinsiyal, na may mga kapangyarihang bahagyang mas-mababa sa kapangyarihan ng lalawigan.
Shenzhen 深圳市 Shumchun | |
---|---|
Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | |
Kanlurang bahagi ng CBD ng Shenzhen | |
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Shenzhen sa Guangdong | |
Mga koordinado: 22°33′N 114°06′E | |
Bansa | Tsina |
Lalawigan | Guangdong |
Antas-kondado na mga paghahati | 9 |
Naging nayon | 1953 |
Naging lungsod | Marso 1, 1979 |
Binuo ang SEZ | 1 May 1980 |
Pamahalaan | |
• Uri | Sub-probinsiyal na lungsod |
• Kalihim ng Komite ng CPC | Wang Weizhong |
• Alkalde | Chen Rugui |
Lawak | |
• Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | 2,050 km2 (790 milya kuwadrado) |
• Urban | 1,748 km2 (675 milya kuwadrado) |
Taas | 0–943.7 m (0–3,145.7 tal) |
Populasyon (2017)[1] | |
• Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | 12,528,300 |
• Kapal | 6,100/km2 (16,000/milya kuwadrado) |
• Urban (2018)[2] | 12,905,000 |
• Densidad sa urban | 7,400/km2 (19,000/milya kuwadrado) |
• Metro | 23,300,000 |
• Pangunahing mga kabansaan | Han |
Demonym | Shenzhener, taga-Shenzhen |
Sona ng oras | UTC+8 (China Standard) |
Kodigong postal | 518000 |
Kodigo ng lugar | 755 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-GD-03 |
GDP (Nominal) | 2018[4] |
- Kabuuan | ¥2.42 trillion $361 billion ($0.64 trillion, PPP) |
- Sa bawat tao | ¥193,338 $29,217 ($52,335, PPP 2017)[5] |
- Paglago | 7.7% |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 粤B |
Bulaklak ng lungsod | Bogambilya |
Puno ng lungsod | Alpay at bakawan[6] |
Websayt | sz.gov.cn |
Shenzhen | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 深圳 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hanyu Pinyin | Shēnzhèn | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Cantonese Yale | Sāmjan or Sàmjan | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Postal | Shumchun | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Deep Drains" | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Opisyal na naging lungsod ang Shenzhen, na halos sumusunod sa mga hangganang pampangasiwaan ng Kondado ng Bao'an County, noong 1979. Hinango ang pangalan nito mula sa dating bayang kondado kung saang ang estasyong daambakal nito ay ang huling lugar ng hinto sa bahaging kalupaan ng daambakal sa pagitan ng Canton at Kowloon.[7] Noong 1980, itinatag ang Shenzhen bilang kauna-unahang special economic zone ng Tsina.[8] Ang nakarehistrong populasyon ng Shenzhen noong 2017 ay nasa humigit-kumulang 12,905,000 katao.[1] Ngunit tinataya ng pampook na kapulisan at mga awtoridad na nasa humigit-kumulang 20 milyong katao ang tunay na populasyon, dahil sa malaking mga populasyon ng pansamantalang mga naninirahan[a], hindi nakarehistradong mga nandayuhang gumagala (floating migrants), pana-panahong mga naninirahan, mga mananakay, bumibisita, gayon din ang iba pang mga pansamantalang naninirahan.[9][10] Isa ang Shenzhen sa pinakamabilis na lumalagong mga lungsod sa mundo noong dekada-1990 at dekada-2000,[11] at pumapangalawa ito sa talaan ng Lonely Planet na sampung nangungunang mga lungsod para bisitahin.[12]
Ang porma ng lungsod ng Shenzhen ay bunga ng masiglang ekonomiya - na naging posible ng mabilis na dayuhang pamumuhunan kasunod ng pagtatatag ng patakaran ng "reporma at pagbubukas" noong 1979.[13] Ang lungsod ay isang pangunahing pusod ng pandaigdigang teknolohiya na binansagan ng midya bilang susunod na Silicon Valley.[14][15][16]
Tahanan ang Shenzhen ng Pamilihang Sapi ng Shenzhen gayon din ng mga punong tanggapan ng mga kompanyang multinasyonal tulad ng JXD, Vanke, Hytera, CIMC, SF Express, Shenzhen Airlines, Nepstar, Hasee, Ping An Bank, Ping An Insurance, China Merchants Bank, Tencent, ZTE, Huawei, DJI at BYD.[17] Nasa ika-14 na puwesto ang Shenzhen sa 2019 Global Financial Centres Index.[18] Mayroon itong isa sa pinaka-abalang mga daungang lagayan (container ports) sa mundo.[19]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.