From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Santiago na bata, anak ni Alfeo[2] ay isa sa mga naging unang alagad ni Hesus. Siya ay kadalasang kinikilala kay Santiago ang Kaunti. May ilang mga dalubhasang ang Santiagong ito ang siyang tumanggap o bumati kay San Pablo sa Jerusalem noong panahong marami ang hindi naniniwala sa pagbabagong-kalooban sa pananampalataya patungong Kristiyanismo ni San Pablo.[3] Si Maria Jacobe ang ina ng Santiagong ito.[2]
James The Less | |
---|---|
Apostle | |
Ipinanganak | Unknown |
Namatay | Unknown Egypt or Jerusalem |
Benerasyon sa | Roman Catholic Church, Anglican Communion, Eastern Orthodox Church |
Kapistahan | 1 May (Anglican Communion), May 3 (Roman Catholic Church), 9 October (Eastern Orthodox Church) |
Katangian | carpenter's saw; fuller's club; book |
Patron | apothecaries; druggists; dying people; Frascati, Italy; fullers; milliners; Monterotondo, Italy; pharmacists; Uruguay[1] |
Madalas na iniuugnay si Santiagong anak ni Alfeo kay Santiagong Mababa, na siyang tatlong beses binabanggit sa Bibliya at tuwinang inuugnay sa kanyang ina. Sa Marcos 15:40 binanggit sila bilang "Maria anak ni Santiagong Nakababata at ni Joses", habang sa Marcos 16:1 at Mateo 27:56 naman ay "Maria ina ni Santiago". Kinikilala na siya bilang Santiago, ang pangnakaugaliang lalaking kapatid na kalahati (kapatid sa magulang) ni Hesus.[kailangan ng sanggunian]
Dahil may iba nang Santiago (Santiago, anak ni Zebedeo) sa labindalawang apostol, tama lang na iugnay si Santiagong anak ni Alfeo kay "Santiagong Mababa". (Madalas na tinatawag na "Santiagong Nakatatanda" ang Santiagong anak ni Zebedeo.)
Gayunpaman, nananatiling kontrobersiyal ang katauhang ito sa mga tagasuri ng Bibliya. Pinapabulaanan ito ni John Paul Meier. [4] Para naman sa mga Ebanghelista, sinusuportahan ng New Bible Dictionary ang tradisyonal na pagkakakilanlan,[5] habang pinapanukala nina Don Carson[6] at Darrell Bock[7] na ang katauhan ay posible ngunit walang kasiguruhan.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.