![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/29/S%25C3%25ABndahstina.jpg/640px-S%25C3%25ABndahstina.jpg&w=640&q=50)
Santa Cristina Gela
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Santa Cristina Gela (Arbëreshë: Sëndahstina) ay isang pamayanang Arbëreshë at comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya.
Santa Cristina Gela Sëndahstina | |
---|---|
Comune di Santa Cristina Gela | |
![]() Tanaw ng Santa Cristina Gela mula sa katabing burol | |
Mga koordinado: 37°59′N 13°20′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Kalakhang lungsod | Palermo (PA) |
Mga frazione | Altofonte, Belmonte Mezzagno, Marineo, Monreale, Piana degli Albanesi |
Pamahalaan | |
• Mayor | Massimo Diano |
Lawak | |
• Kabuuan | 38.74 km2 (14.96 milya kuwadrado) |
Taas | 670 m (2,200 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 1,008 |
• Kapal | 26/km2 (67/milya kuwadrado) |
Demonym | Santacristinesi (Albanes Sëndahstinarë) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 90030 |
Kodigo sa pagpihit | 091 |
Santong Patron | Santa Cristina |
Saint day | Hulyo 24 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang nayon, kasama ang Contessa Entellina at Piana degli Albanesi, ay isa sa tatlong pamayanan ng Arbëreshë sa Sicilia kung saan ginagamit pa rin ang wikang Arbëreshë. Ito ang pinakamaliit at pinakabagong paninirahang Arbëreshë sa Sicilia, na itinatag noong katapusan ng ika-17 siglo ng mga settler mula sa kalapit na Piana degli Albanesi (Hora), na 3 km ang layo. Eklesyastikong kabilang ito sa ritong Bisantino na Eparkiya ng Piana degli Albanesi bagaman ang tanging simbahan ay gumagamit ng ritong Latin. Ito rin ang luklukan ng Unyon ng mga Alabnes na Munisipalidad ng Sicilia "BESA". Tinatawag ng mga naninirahan dito ang kanilang sarili na sëndahstinarë at bahagi ng komunidad ng arbëreshë. Ginagamit ng administrasyong munisipal ang wikang Albanes (tandaan: hindi ang lokal na wikang Arbëreshë) sa mga opisyal na dokumento, alinsunod sa kasalukuyang batas na nagpoprotekta sa mga etnolingguwistikong minorya.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f2/Via_Tirana.jpg/640px-Via_Tirana.jpg)