![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/49/San_Luca_%2528Reggio_Calabria%2529_-_Italy_-_10_May_2009_-_%25282%2529.jpg/640px-San_Luca_%2528Reggio_Calabria%2529_-_Italy_-_10_May_2009_-_%25282%2529.jpg&w=640&q=50)
San Luca
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang San Luca ay isang komuna (munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Regio de Calabria sa rehiyon ng Italya ng Calabria, na matatagpuan mga 100 kilometro (62 mi) timog-kanluran ng Catanzaro at mga 35 kilometro (22 mi) silangan ng Regio de Calabria. Matatagpuan ang bayan sa silangang mga dalisdis ng bundok ng Aspromonte, sa lambak ng ilog Bonamico. Sa humigit-kumulang 10 kilometro (6 mi) mula sa San Luca paakyat sa bundok ay matatagpuan ang Santuwaryo ng Mahal na Ina ng Polsi.
Agarang impormasyon San Luca Ághios Lukás (Griyego), Bansa ...
San Luca Ághios Lukás (Griyego) | |
---|---|
Comune di San Luca | |
![]() Tanaw ng San Luca | |
![]() Mapa ng Kalakhang Lungsod ng Regio de Calabria | |
Mga koordinado: 38°9′N 16°4′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Calabria |
Kalakhang lungsod | Regio de Calabria (RC) |
Mga frazione | Ientile, Polsi, Ricciolio, Stranges, Vorea |
Pamahalaan | |
• Mayor | Bruno Bartolo |
Lawak | |
• Kabuuan | 105.35 km2 (40.68 milya kuwadrado) |
Taas | 250 m (820 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 3,715 |
• Kapal | 35/km2 (91/milya kuwadrado) |
Demonym | Sanluchesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 89030 |
Kodigo sa pagpihit | 0964 |
Santong Patron | San Lucas ang Ebanghelista |
Saint day | Oktubre 18 |
Isara
Ang may-akdang Italyano na si Corrado Alvaro ay isinilang sa San Luca noong 1895. Ang kaniyang mga sulat-kamay na tala at iba pang personal na pag-aari ay itinatago ngayon sa bahay kung saan siya ipinanganak ng Pundasyong Corrado Alvaro.[3]