From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Regio de Calabria o Reggio di Calabria[lower-alpha 1] sa Italyano (Southern Calabrian: Riggiu; Griyego: Ρήγι, romanisado: Rìji), karaniwang tinutukoy bilang Reggio Calabria, o simpleng Reggio ng mga naninirahan dito, ay ang pinakamalaking lungsod sa Calabria. Ito ay may tinatayang populasyon na halos 200,000 at ito ang ikadalawampung pinakamataong lungsod sa Italya, pagkatapos ng Modena, at ang ikasandaang na mataong lungsod sa Europa. Ang Reggio Calabria ay matatagpuan sa eksaktong sentro ng Mediteraneo at kilala sa pagkakaiba-iba ng klima, etnisidad, at kultura. Ito ang pangatlong sentro ng ekonomiya ng mainland ng Katimugang Italya. Humigit kumulang 560,000 katao ang nakatira sa kalakhang pook, na kinilala noong 2015 ng Republikang Italyano bilang isang kalakhang lungsod.[7]
Reggio Calabria | |
---|---|
Città di Reggio di Calabria | |
Panoramikong tanaw ng Reggio Calabria | |
Mga koordinado: 38°06′41″N 15°39′43″E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Calabria |
Pamahalaan | |
• Mayor | Giuseppe Falcomatà (PD) |
Lawak | |
• Kabuuan | 239.04 km2 (92.29 milya kuwadrado) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 181,447 |
• Kapal | 760/km2 (2,000/milya kuwadrado) |
Demonym | Reggino |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 89100 (generic) from 89121 to 89135 |
Kodigo sa pagpihit | 0039 0965 |
Websayt | www.comune.reggio-calabria.it |
Ang Reggio ay matatagpuan sa "daliri ng paa" ng Tangway ng Italya at hiwalay mula sa isla ng Sicilia ng Kipot ng Messina. Matatagpuan ito sa mga dalisdis ng Aspromonte, isang mahaba, magaspang na kabundukang dumadaloy hanggang sa gitna ng rehiyon.
↑ /ˈrɛdʒioʊ diː kəˈlæbriə/ US /ˈrɛdʒ(i)oʊ diː kɑːˈlɑːbriə/ [3] [4] [5] [ˈreddʒo di kaˈlaːbrja, ˈrɛddʒo - https://en.wikipedia.org/wiki/File:It-Reggio_Calabria.ogg listen [6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.