![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/1/10/Robert_Gates%252C_official_DoD_photo_portrait%252C_2006.jpg/640px-Robert_Gates%252C_official_DoD_photo_portrait%252C_2006.jpg&w=640&q=50)
Robert Gates
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Robert Michael Gates (ipinanganak 25 Setyembre 1943) ang kasalukuyang naninilbihan bilang ika-22 Kalihim ng Tanggulan ng Estados Unidos. Naupo siya sa nasabing posisyon noong 18 Disyembre 2006.[2] Bago ito, nagsilbi si Gates sa Pangunahing Ahensiya ng Kaalaman sa loob ng 26 na taon at sa Pambansang Konseho ng Seguridad, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong George H. W. Bush bilang Direktor ng Central Intelligence. Pagkatanggap sa kanya sa CIA, nagsilbi siya bilang opisyal sa Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos.[3][4] Nang umalis siya sa CIA, naging pangulo si Gates ng Unibersidad ng Texas A&M at naging kasapi ng lupon ng direktor ng ilang korporasyon. Nagsilbi rin si Gates bilang kasapi ng Iraq Study Group, ang komisyong bipartisan kapwa pinamumunuan nina James A. Baker III at Lee Hamilton, na nag-aral ng Digmaang Irak.Siya rin ang unang napili para manilbihan bilang Kalihim ng Kagawaran ng Seguridad ng Bayan nang mabuo ito matapos ang Mga pag-atake noong Setyembre 11, subalit tinanggihan niya ito upang manatili bilang pangulo ng Unibersidad ng Texas A&M.[5]
Robert Michael Gates | |
![]() | |
Ika-24 Kanselor ng College ng William at Mary | |
---|---|
Kasalukuyan | |
Panunungkulan 3 Pebrero 2012 | |
Pangulo | Taylor Reveley |
Sinundan si | Sandra Day O'Connor |
Ika-22 Kalihim ng Tanggulan ng Estados Unidos | |
Panunungkulan 18 Disyembre 2006 – 30 Hunyo 2011 | |
Pangulo | George W. Bush Barack Obama |
Deputy | Gordon England (2006–2009) William J. Lynn III (2009-2011) |
Sinundan si | Donald Rumsfeld |
Sinundan ni | Leon Panetta |
Ika-16 na Katulong na Direktor ng Pangunahing Ahensiya ng Kaalaman Direktor ng Pangunahing Ahensiya ng Kaalaman | |
Panunungkulan Abril1986 – Marso 1989 | |
Pangulo | Ronald Reagan George H. W. Bush |
Deputy | Richard James Kerr William Oliver Studeman |
Sinundan si | John McMahon |
Sinundan ni | Richard James Kerr |
Katulong na Pambansang Tagapayo sa Seguridad | |
Panunungkulan 1989 – 1991 | |
Pangulo | George H. W. Bush |
Sinundan si | John Negroponte |
Sinundan ni | Jonathan Howe |
Kapanganakan | (1943-09-25) 25 Setyembre 1943 (edad 80) Wichita, Kansas |
Partidong politikal | Republikan[1] |
Asawa | Becky Gates |
Alma mater | Georgetown University (Ph.D.) Indiana University (M.A.) College of William & Mary (B.A.) |
Lagda | ![]() |
Paglilingkod sa Militar | |
Serbisyo/sangay | Estados Unidos Air Force |
Taon sa serbisyo | 1967–1969 |
Ranggo | ![]() |
Labanan/Digmaan | Digmaan sa Biyetnam |
Tinanggap ni Gates ang nominasyon sa kanya bilang Kalihim ng Tanggulan noong 8 Nobyembre 2006, pinalitan niya si Donald Rumsfeld. Kinumpirma ang pagkakahirang sa kanya ng may suportang bipartisan.[6] Sa isang propayl na sinulat ng dating Tagapayo ng Pambansang Seguridad na si Zbigniew Brzezinski, itinanghal ng Time si Gates bilang isa sa mga pinakamaimpluwensiyang taon ng taon.[6] In 2008, Gates was named one of America's Best Leaders by U.S. News & World Report.[7] Sa kasalukuyan patuloy pa rin siyang nagsisilbi bilang Kalihim ng Tanggulan sa gabinite ni Pangulong Barack Obama.[8]