Rachel Lobangco
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Rachel Lobangco ay isang artista mula sa Pilipinas. Noong 1988, una siyang nakilala sa isang patalastas ng San Miguel Beer at binansagang "SiBoom Girl" batay sa awiting ng Apo Hiking Society na nasa patalastas.[1][2] Nakilala din siya sa pelikulang Kokak.[3]
Noong 2011, lumabas siya sa isang kabanata ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.[4] Siya ay isa rin mananayaw sa apoy (fire dancer) at kasapi ng koponan ng karerahan ng bangkang dragon sa Boracay.[3]
Si Rachel ay ang nakakabatang kapatid ni Lani Lobangco at tiyahin ng artistang si Bruno Gabriel na anak ni Lani.[5][6]