Qingdao
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Qingdao ([t͡ɕʰíŋtɑ̀ʊ̯]; na binabaybay rin bilang Tsingtao; Tsino: 青岛) ay isang pangunahing lungsod sa silangang bahagi ng lalawigan ng Shandong sa baybaying-dagat ng Dagat Dilaw sa silangang Tsina. Isa rin itong pangunahing sentrong lungsod ng Inisyatibong One Belt, One Road (OBOR) na nag-uugnay ng Asya sa Europa.[2] Sa lahat ng mga lungsod sa lalawigan ito ay may pinakamataas na GDP. Pinangangasiwaan ito sa antas na sub-probinsiyal,[3] mayroon itong kapangyarihan sa anim na mga distrito at apat na mga antas-kondado na lungsod. Magmula noong 2014[update] , mayroong 9,046,200 katao ang Qingdao, kasama ang populasyong urbano na 6,188,100.[4] Ito ay nasa Tangway ng Shandong at nakatanaw ito sa Dagat Dilaw. Hinahangganan ito ng Yantai sa hilagang-silangan, Weifang sa kanluran, at Rizhao sa timog-kanluran.
Qingdao 青岛市 Tsingtao | ||
---|---|---|
Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | ||
Mula taas, kaliwa-pakanan: Panoramang urbano ng Qingdao, Liwasang Ika-4 na Mayo, Katedral ng San Miguel, Serbeseria ng Tsingtao, Serbesang Tsingtao, Tanawing panghimpapawid ng Qingdao | ||
Kinaroroonan ng Lungsod ng Qingdao (nakapula) sa silangang baybaying-dagat ng Tsina | ||
Mga koordinado (Pamahalaang munisipal ng Qingdao): 36°04′01″N 120°22′58″E | ||
Bansa | Tsina | |
Lalawigan | Shandong | |
Pinaupa sa Alemanya | Marso 6, 1898 | |
Pananakop ng Hapon | Nobyembre 7, 1914 | |
Pagbabalik sa Tsina | Disyembre 10 1922 | |
Muling Pananakop ng Hapon | Enero 10 1938 | |
Muling Pagbabalik sa Tsina | Agosto 15, 1945 | |
Sentro ng munisipyo | Shinan District | |
Pamahalaan | ||
• Kalihim ng CPC | Zhang Jiangting | |
• Alkalde | Meng Fanli | |
Lawak | ||
• Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | 11,067 km2 (4,273 milya kuwadrado) | |
• Lupa | 11,067 km2 (4,273 milya kuwadrado) | |
• Urban (2018)[1] | 1,632 km2 (630 milya kuwadrado) | |
• Metro | 5,019 km2 (1,938 milya kuwadrado) | |
Populasyon (2014) | ||
• Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | 9,046,200 | |
• Kapal | 820/km2 (2,100/milya kuwadrado) | |
• Urban (2018)[1] | 5,930,000 | |
• Densidad sa urban | 3,600/km2 (9,400/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) | |
Kodigong postal | 266000 | |
Kodigo ng lugar | 0532 | |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-SD-02 | |
GDP | ¥ 1200.152 bilyon | |
GDP kada tao | ¥ 127,745(2018) | |
Unlapi ng Plaka ng Sasakyan | 鲁B & 鲁U | |
Baybaying-dagat | 862.64 km (536.02 mi) (kasama ang mga pulo palayo ng pampang) 730.64 km (454.00 mi) (hindi kasama ang mga pulo) | |
Pangunahing mga kabansaan | Han: 99.86% | |
Mga dibisyong antas-kondado | 10 | |
Websayt | www.qingdao.gov.cn |
Qingdao | |||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 青岛 | ||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 青島 | ||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Pulong Asul" ("Azure Island") | ||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||
Pangalang German | |||||||||||||||||||||||||
German | Tsingtau | ||||||||||||||||||||||||
Isang pangunahing pantalang pandagat, baseng pandagat, at sentrong pang-industriya ang Qingdao. Ang pinakamahabang pandagat na tulay sa mundo, ang Tulay ng Look ng Jiaozhou, ay nag-uugnay ng pangunahing pook urbano ng Qingdao sa distrito ng Huangdao na nakasaklang sa mga pandagat na lugar ng Look ng Jiaozhou.[5] Kinaroroonan din ito ng Serbeseria ng Tsingtao, ang pangalawang pinakamalaking serbeseria sa Tsina.[6]
Noong 2018, nasa ika-31 puwesto ang Qingdao sa Global Financial Centres Index na inilathala ng Pangkat ng Z/Yen at ng Surian sa Pagpapaunlad ng Tsina, ang ibang mga Tsinong lungsod sa talaan ay Hong Kong, Shanghai, Beijing, Shenzhen, Guangzhou, Tianjin, Chengdu, Hangzhou at Dalian.[7] Noong 2007, pinangalanan ang Qingdao bilang isa sa sampung pangunahing mga lungsod ng Tsina ng Chinese Cities Brand Value Report, na inilabas noong 2007 Beijing Summit of China Cities Forum.[8] Noong 2009, pinangalanan ang Qingdao bilang pinakanatitirahang lungsod ng Chinese Institute of City Competitiveness.[9][10] Idinaos sa Qingdao noong 2018 ang isang pagpupulong ng mga pinuno ng Shanghai Cooperation Organization.[11]