pritong manok From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pritong manok (Ingles: Southern fried chicken o fried chicken lang mismo) ay isang ulam na binubuo ng mga hiwa ng manok na inilubog sa tinimplahang batter at ipiniprito. Malutong ang balat nitong ulam habang pinapanatili sa karne ang mga katas.
Ang pinakaunang ulam na kinikilalang ipinrito ay fritter, na sumikat sa Gitnang Kapanahunan sa Europa. Subalit, mga Eskoses ang naging unang taga-Europa na nagprito ng manok sa taba (ngunit walang panimpla). Samantala, ang iilang mga katao sa Kanlurang Aprika ay may mga tradisyon ng tinimplahang pritong manok (sa paglubog sa batter at pagluluto ng manok sa langis ng palma). Pinagsama-sama ang mga pamamaraan sa pagprito ng mga Eskoses at ang mga pamamaraan sa pagtimpla ng mga Kanluraning Aprikano ng mga inaliping Aprikano at Aprikanong-Amerikano sa Timugang Estados Unidos.
Inilalarawan ang pritong manok bilang "malutong" at "makatas".[1][2] Bilang karagdagang, sinasabing "maanghang" at "maalat" ang ulam na ito.[3] Paminsan-minsan, nilalagyan ito ng sili tulad ng paprika, o maanghang na sarsa para umanghang ang lasa nito.[4] Lalo nang karaniwan ito sa mga fast food restaurant chain tulad ng KFC.[5]
Kilala itong ulam sa pagiging mamantika, lalo na kapag nanggaling ito sa mga fast food outlet.[1] Sa katunayan, iniulat na ang mga ilan sa mga nasisiyahang kumain nito ay naglilimita sa kanilang sarili sa pagkakain nito ng iilang beses lamang sa isang taon, para mapanatiling mababa ang kanilang kinakaing taba.[6] Sa lahat ng mga bahagi ng hayop na ginagamit sa pritong manok, kadalasang pinakamarami ang taba sa mga pakpak, na halos 40 gramo (1.4 oz) ng taba sa bawat 100 gramo (3.5 oz).[7] Gayunman, ang karaniwang buong pritong manok ay naglalaman lamang ng halos 12% taba, o 12 gramo (0.42 oz) sa bawat 100 gramo (3.5 oz).[8] Bilang karagdagan, ang 100 gramo (3.5 oz) ng pritong manok ay karaniwang naglalaman ng halos 240 kaloriya ng enerhiya.[8]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.