Paskuwa
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Paskuwa[1] o Paskua[2][3] (Ingles: Passover[4]) ay isang kapistahang Kristiyano. Ipinagdiriwang nito ang pagkakaligtas ng mga Ebreo mula sa Ehipto. Nagmula ang pangalan nitong Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa pagsasagawa ng hindi paggamit ng pampaalsa o lebadura sa paggawa ng tinapay sa loob ng linggong ito. Isinasagawa ito mula ika-15 hanggang ika-22 araw sa buwan ng Nisan, na nasa unang mga linggo ng Abril.[5] Sa Bibliya, matatagpuan ito sa Kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo.[6]
- Tungkol sa pagdiriwang Kristyano ang artikulong ito. Para sa pagdiriwang Hudyo, tingnan ang Pesaḥ. Para sa ibang gamit, tingnan ang Paskuwa (paglilinaw).