From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pangulo ng Republika ng Turkiya (Türkiye Cumhurbaşkanı) ay ang pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan ng Republika ng Turkiya. Pagkatapos ng pangkalahatang halalan ng 2010, gagampanan ng kasalukuyang nakaupo ang pagganap bilang isang Ehekutibong Pangulo at hinahawakan ang parehong katayuang pangseremonya at ehekutibo. Kadalasang tinutukoy ang Pangulo ng Turkiya bilang ang Cumhurbaşkanı, na ibig sabihin ay 'Pangulo ng mga Tao'.[1][2]
Para maging isang Pangulo ng Turkiya, kailangang nakatapos ang kandidato ng mataas na edukasyon at hindi dapat bababa ang gulang sa apatnapu. Kung kasapi siya ng Turkish Grand National Assembly (Malaking Pambansang Kapulungan sa Turkiya), kailangan nilang magbitiw sa kanilang puwesto.
Noong nakaraan, kinakailangan ng mga pangulong Turko na putulin ang lahat ng kanilang ugnayan, kung mayroon, sa kanilang partidong pampolitika.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.