Ang Pambansang Alagad ng Sining ay isang titulo na ibinibigay sa mga Pilipino na nakamit ng pinakamataas na pagpapakilala dahil sa makabuluhang pag-ambag sa kaunlaran ng mga sining Pilipino: Musika, Sayaw, Teatro, Moda at Arkitektura, at Sining Pangkapanalig.

Thumb
Sagisag ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sila ay inihayag, mula sa kabutihang-loob ng Proklamasyong Pampanguluhan, bilang Pambansang Alagad ng Sining. Pagkatapos, pinagkalooban sila ng Orden ng Pambansang Alagad ng Sining sa pamamagitan ng regalyang kulyar na ginto ng karangalan na binubuo ng mga maraming palamuti. Bukod pa sa kulyar, binigyan ang bawat bagong naproklama ng papuri bilang handog sa seremonya ng parangal. Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ay nagpupunong-abala naman sa isang Gabi ng Parangal para sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Tanghalang Pambansa.

Ang Parangal ng Pambansang Alagad ng Sining ay pinamunuan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) mula sa kabutihang-loob ng Proklamasyong Pampanguluhan Blg. 1001 noong Abril 2, 1972 at ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA).

Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ay ang nagkakaloob ng gawad sa mga karapat-dapat na indibidwal na inirekomenda ng CCP at NCCA. Ang unang gawad ay ibinigay kay Fernando Amorsolo, isang Pilipinong pintor pagkatapos ng kanyang kamatayan.

Mga pamantayan

Ang mga nominasyon ukol sa Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ay nababatay sa malawakang pamantayan na binalangkas ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining:

  1. Mga nabubuhay na artista na naging mamamayang Pilipino sa huling sampung taon na nauna sa nominasyon gayundin sa mga namatay pagkatapos ng pagkatatag ng gawad noong 1972 nguni't sila'y mga mamamayang Pilipino sa panahon ng kanyang kamatayan;
  2. Mga artista na nakapagtulong sa pagbubuo ng damdaming Pilipino ng pagkabansa sa pamamagitan ng kahulugan at anyo ng kanilang mga likha:
  3. Mga artista na nakakilala sa sarili sa pamamagitan ng pangunguna sa isang paraan ng malikhaing pagpapahiwatig o istilo, gumagawa ng kakintalan sa mga sumusunod na salinlahi ng mga artista;
  4. Mga artista na nakapaglikha ng makahulugang katawan ng likha at/o nakapagtanghal nang napapanatili ng kahusayan sa pagsasanay ng kanilang anyo ng sining, pagpapayaman ng makasining pagpapahiwatig o istilo; at
  5. Mga artista na nakikinabang sa malawakang pagtanggap sa pamamagitan ng maprestihiyong pambansa at/o sabansaang pagkakilala, mapanuring paghanga at/o pagsusuri ng kanilang mga likha, mga gawad sa mga maprestihiyong kaganapang pambansa at/o sabansaan.

Ang mga nominasyon ay ipapasa sa Sekretarya ng Pambansang Alagad ng Sining na nilikha ng Lupon ng Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining; ang mga dalubhasa mula sa mga iba't ibang larangan ng sining ay uupo sa Unang Deliberasyon upang ihanda ang maikling tala ng mga nominado. Ang Pangalawang Deliberasyon, kung saan nagpupulong nang magkasama ang mga Komisyonado ng NCCA at Lupon ng mga Katiwala ng CCP, na nagpapasya sa mga pinakahuling narekomenda. Ang tala ay ihaharap sa Pangulo ng Pilipinas, na, sa pamamagitan ng Kautusang Pampanguluhan, nagpapahayag ng mga pinakahuling nominado bilang kasapi ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining.[1]

Ang mga Pambansang Alagad ng Sining

Karagdagang impormasyon Larangan, Taon ...
Pambansang Alagad ng Sining Larangan Taon Nagproklamang Pangulo
Pablo S. Antonio [2] Arkitektura 1976 Ferdinand Marcos
Leandro V. Locsin [3] Arkitektura 1990 Corazon Aquino
Juan F. Nakpil [4] Arkitektura 1973 Ferdinand Marcos
Ildefonso P. Santos [5] Arkitektura (Arkitekturang Tanawin) 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Jose Maria V. Zaragoza [6] Arkitektura 2014 Benigno Aquino III
Francisco T. Mañosa [7] Arkitektura 2018 Rodrigo Duterte
Ramon Valera [8] Moda 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Salvacion Lim-Higgins [9] Moda 2022 Rodrigo Duterte
Antonino R. Buenaventura [10] Musika 1988 Corazon Aquino
Jose Maceda [11] Musika 1997 Fidel V. Ramos
Lucrecia R. Kasilag [12] Musika 1989 Corazon Aquino
Ernani J. Cuenco [13] Musika 1999 Joseph Estrada
Lucio D. San Pedro [14] Musika 1991 Corazon Aquino
Antonio J. Molina [4] Musika 1973 Ferdinand Marcos
Francisco Feliciano [15] Musika 2014 Benigno Aquino III
Levi Celerio [16][17] Musika at Panitikan 1997 Fidel V. Ramos
Ramon P. Santos [18] Musika 2014 Benigno Aquino III
Jovita Fuentes [2] Musika 1976 Ferdinand Marcos
Felipe Padilla De Leon [19] Musika 1997 Fidel V. Ramos
Andrea O. Veneracion [20] Musika 1999 Joseph Estrada
Honorata “Atang” dela Rama [21][22] Musika at Teatro 1987 Corazon Aquino
Ryan Cayabyab [7] Musika 2018 Rodrigo Duterte
Fides Cuyugan-Asensio [9] Musika 2022 Rodrigo Duterte
Francisco Arcellana [23] Panitikan 1990 Corazon Aquino
Edith L. Tiempo [24] Panitikan 1999 Joseph Estrada
Bienvenido Lumbera [25] Panitikan 2006 Gloria Macapagal Arroyo
N.V.M. Gonzalez [26] Panitikan 1997 Fidel V. Ramos
Virgilio S. Almario [27] Panitikan 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Cirilo F. Bautista [28] Panitikan 2014 Benigno Aquino III
Nick Joaquin [2] Panitikan 1976 Ferdinand Marcos
Amado V. Hernandez [4] Panitikan 1973 Ferdinand Marcos
Lazaro Francisco [29] Panitikan 2009 Gloria Macapagal Arroyo
F. Sionil Jose [30] Panitikan 2001 Gloria Macapagal Arroyo
Carlos P. Romulo [31] Panitikan 1982 Ferdinand Marcos
Jose Garcia Villa [4] Panitikan 1973 Ferdinand Marcos
Alejandro R. Roces [32] Panitikan 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Resil Mojares [7] Panitikan 2018 Rodrigo Duterte
Ramon Muzones [7] Panitikan 2018 Rodrigo Duterte
Gemino Abad [9] Panitikan 2022 Rodrigo Duterte
Carlos Quirino [33] Panitikang Pangkasaysayan 1997 Fidel V. Ramos
Lino Brocka [34] Pelikula 1997 Fidel V. Ramos
Ishmael Bernal [35] Pelikula 2001 Gloria Macapagal Arroyo
Manuel Conde [36] Pelikula 2009 Gloria Macapagal Arroyo
Gerardo de León [31] Pelikula 1982 Ferdinand Marcos
Fernando Poe, Jr. [37][38] Pelikula 2006 Gloria Macapagal Arroyo (2006), Benigno Aquino III (2012)
Eddie S. Romero [39] Pelikula 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Eric "Kidlat Tahimik" de Guia [7] Pelikula 2018 Rodrigo Duterte
Marilou Diaz-Abaya [9] Pelikula 2022 Rodrigo Duterte
Nora Aunor [9] Pelikula 2022 Rodrigo Duterte
Ricky Lee [9] Pelikula 2022 Rodrigo Duterte
Francisca Reyes-Aquino [4] Sayaw 1973 Ferdinand Marcos
Ramon Obusan [40] Sayaw 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Alice Reyes [41] Sayaw 2014 Benigno Aquino III
Leonor Orosa-Goquingco [2] Sayaw 1976 Ferdinand Marcos
Lucrecia Reyes-Urtula [10] Sayaw 1988 Corazon Aquino
Agnes D. Locsin [9] Sayaw 2022 Rodrigo Duterte
Fernando Amorsolo [42] Sining Biswal (Pagpipinta) 1972 Ferdinand Marcos
Hernando R. Ocampo [43] Sining Biswal (Pagpipinta) 1991 Corazon Aquino
Benedicto "BenCab" R. Cabrera [44] Sining Biswal (Pagpipinta) 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Carlos "Botong" V. Francisco [4] Sining Biswal (Pagpipinta) 1973 Ferdinand Marcos
Cesar Legaspi [45] Sining Biswal (Pagpipinta) 1990 Corazon Aquino
Abdulmari Asia Imao [46] Sining Biswal (Iskultura) 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Guillermo Tolentino [4] Sining Biswal (Iskultura) 1973 Ferdinand Marcos
Arturo R. Luz [47] Sining Biswal (Pagpipinta) 1997 Fidel V. Ramos
Federico Aguilar Alcuaz [48] Sining Biswal (Pagpipinta) 2009 Gloria Macapagal Arroyo
Napoleon Abueva [2] Sining Biswal (Iskultura) 1976 Ferdinand Marcos
J. Elizalde Navarro [49] Sining Biswal (Pagpipinta) 1999 Joseph Estrada
Francisco V. Coching [50] Sining Biswal (Komiks) 2014 Benigno Aquino III
Victorio C. Edades [2] Sining Biswal (Pagpipinta) 1976 Ferdinand Marcos
Ang Kiukok [51] Sining Biswal (Pagpipinta) 2001 Gloria Macapagal Arroyo
Jose T. Joya [52] Sining Biswal (Pagpipinta) 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Vicente S. Manansala [53] Sining Biswal (Pagpipinta) 1981 Ferdinand Marcos
Larry Alcala [7] Sining Biswal (Kartoons) 2018 Rodrigo Duterte
Daisy Hontiveros-Avellana [54] Teatro (Sining Pandulaan) 1999 Joseph Estrada
Rolando S. Tinio [55][56] Teatro at Panitikan 1997 Fidel V. Ramos
Wilfrido Ma. Guerrero [57] Teatro 1997 Fidel V. Ramos
Severino Montano [58] Teatro 2001 Gloria Macapagal Arroyo
Lamberto V. Avellana [2][59] Teatro at Pelikula 1976 Ferdinand Marcos
Amelia Lapeña-Bonifacio [7] Teatro 2018 Rodrigo Duterte
Tony Mabesa [9] Teatro 2022 Rodrigo Duterte
Salvador F. Bernal [60][61] Teatro at Disenyong Pang-Teatro 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Isara

Sanggunian

Tingnan din

Mga panlabas na kawing

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.